27) Byron's Birthday

553 20 15
                                    

Paolo Onesa is Byron's character reference! :)) See him on the mm side! :))

XXX

=========================================================== 

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

=========================================================== 

27

[Byron’s Birthday]

Abala ang mga Beki at mga tao sa pagde-decorate ng bahay ngayong araw dahil dito gaganapin ang birthday ni Byron.

Maaga pa lang ay itinago na ni Andrew ang Satellite dish sa isang kwarto para hindi ito makita ni Byron if ever pag dating nito sa bahay. Baka itanong pa kung ano iyon. Mga before lunch ito dumating at may mga dala itong grocery bags. Ingredients ang laman ng mga grocery bags para sa mga lulutuin na putahe. Isa-isang nilabas ni Veron ang mga ingredients at tinulungan si Byron magluto ng mga ihahanda para sa kaniyang birthday. Inatasan naman ni Veron si Alyssa na gumawa ng graham cake. Tinuruan niya muna ito at ng na-gets na ni Alyssa ang gagawin ay pinabayaan na niya ito. Tinulungan naman ito ni Andrew. Siya ang naghiwa ng mga manga at si Alyssa ang nag-layer ng cake. Nilagay nila sa freezer ang nagawang graham cake for the mean time.

Samantalang si Veron at Byron ay gumawa naman ng pesto, lasagna, stuffed roasted chicken at home made fries. Nagluto rin sila ng hotdogs at hiniwa-hiwa yun after ni Alyssa. Ininstructionan ni Veron si Alyssa na ituhog ang mga iyon sa barbeque stick, lagyan ng marshmallow at itusok sa kalahating cabbage. Natuwa si Alyssa sa paggawa ng mga ganun. Inutusan naman ni Veron si Andrew na magsaing ng kanin na sasapat sa kanilang apat.

Ang mga drinks naman na pinamili ni Byron ay nilagay muna sa ref. Si Andrew ang naglagay at may nabasa siyang “Tequilla” sa mga tatlong bote ng drinks. Napansin ni Byron na tinititigan ni Andrew ang mga boteng iyon at natatawang nagsalita ito.

“I hope bro na umiinom ka because we’re going to drink that later!” Masayang sambit ni Byron.

Na-curious si Veron kung ano yung sinasabi na iyon ni Byron kaya naman sinulyapan niya ang hawak na iyon ni Andrew at nakita niyang Tequilla ang hawak nito. Tinignan niya ng masama si Andrew at sana ma-gets nito na ang ibig sabihin nuon ay “Pwede ba sa’yo iyan? ‘Pag yan hindi pwede sa Beki, humanda ka sa akin!” Pero mukhang hindi niya iyon na-gets kaya magi-isip pa si Veron ng paraan para malaman ni Andrew ang kanyang concern.

After nila magluto ay sinimulan na nila lagyan ng decoration ang first floor ng bahay nila Veron. Nagkabit sila ng mga makukulay na banderitas sa kisame at nagpalibot ng mga christmas lights sa pader na malapit sa dining table. Nagkabit din sila ng “Happy Birthday Byron” banner sa may sala at sa huli ay nag-assemble sila ng mga party hats.

Mag ga-gabi na ng sinimulan nila ang pagdiriwang. Inilabas ni Veron ang biniling cake para sa birthday ni Byron at nilagyan iyon ng kandila at sinindihan. “Happy Birthday, Byron!” Wika ni Veron. “Thanks, bestfriend!” Bumeso si Byron kay Veron. Hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Andrew pero hinayaan na lang niya. Birthday naman eh. Isip-isip nito.

Bekilandia (To be published under LIB)Место, где живут истории. Откройте их для себя