39) Encounter

400 17 15
                                    

=========================================================== 

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

===========================================================

39

[Encounter]

Patuloy pa rin sa pag-iimbestiga sa 15th floor ang grupo nila Andrew. Ang magkasama ay si Andrew at Three, Alyssa at Four and Stanley at Five. Sa magkakaibang direksyon sila ng 15th floor nagsipunta.

Si Stanley at Five ay nagpunta sa bandang likuran upang magmasid. Napunta si Stanley sa isang lugar na mukhang storage room ng mga panglinis na bagay. HIle-hilera ang mop, mga balde, Muriatic Acid, Zonrox, pang-scrub at mga basahang bilog sa apat na estante ng nasabing storage room. Pumasok sa pinaka loob nuon si Stan at nakarinig siya ng mga nag-uusap.

Dali-dali namang nagtago si Stanley sa sulok sa likod ng mga mop at si Five sa isang sulok din katabi ng mga balde.

Bumukas bigla ang isang lagusan na kanina ay mistula lamang na pader. Lumabas mula duon ang ilang mga lalake na malalaki ang katawan at naka-itim. Naka suot ang mga iyon ng tila helmet na kulay pula. Palabas na ang mga ito ng storage room ng biglang  natumba ang isa sa mga katabing mop ni Stanley. Dahil sobrang tahimik sa storage room at sa buong 15th floor, ang pagbagsak nuon ay lumikha ng malakas na ingay. Nagulat naman ang mga Nelestrum at agad hinanap kung saan nagmula ang ingay.

Takot na takot si Stanley sa pwesto niya. Inihanda niya ang isang maliit na baril na kulay pink na binigay sa kanya ni Andrew. Nanginginig itong hinawakan iyon at ini-ready na gamitin just in case na makita siya.

Pumunta ang isang Nelestrum sa may pinagtataguan ni Stanley. Pinulot nito muna ang bumagsak na mop. Nang malapit na nitong hawiin ang pinagkukublihan ni Stan ay bigla itong tumumba at nangisay. Ang mga iba pang Nelestrum ay nagsitumba din at nangisay sa sahig. May mga tumama dito na maliliit na itim na bagay at nakakapit ang mga bagay na iyon sa kanilang katawan. Gulat na gulat naman si Stanley.

Lumabas mula sa pagtatago si Stanley. Nakita niyang si Alyssa ang may kagagawan kung bakit nagsitumba ang mga kalaban. Binato niya ng mga self adhering automatic tazers ang mga Nelestrum.

Pinagpawisan ng malamig si Stanley dun. Nagpunas siya ng pawis sa mukha gamit ang kamay. Maya-maya pa ay dumating din sa may storage room si Andrew at dalawa pang guwardiya ni George.

“Okay ka lang?” Tanong ni Andrew kay Stan.

“Oo. Okay lang ako.” Kinilig ng konti si Stan dahil sa pag-aalala sa kaniya ni Andrew.

“Saan galing ang mga Nelestrum na iyon?” Tanong ni Alyssa.

“Dito.” Tinuro ni Stanley ang dinaanang lagusan ng mga Nelestrum kanina. Nawala na ang lagusan at pader na uli ito ngayon.

“P-pader?” Tanong ni Andrew.

“Meron kaninang lagusan diyan.” Sabat naman ni Five na lumabas na rin sa pagtatago mula sa likod ng mga balde.

Pinuntahan ni Andrew ang pader na sinasabi ni Stanley at Five na naging lagusan daw kani-kanina lang at kung saan galing ang mga Nelestrum na nakahandusay na ngayon sa sahig. Sinipa naman ni Alyssa ang mga Nelestrum sa tabi para hindi nakaharang ang mga ito sa daanan.

Bekilandia (To be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon