41) Binondo Bound

389 16 8
                                    

=========================================================== 

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

===========================================================

41

[Binondo Bound]

Inilapag ang spaceship sa bubongan ng bahay ni Veron sa Binondo. Pinanatili ang invisible mode nito para hindi makita ng mga kapitbahay kung ano yung nakapatong sa may third floor ng bahay niya. Dali-dali namang inilabas si Andrew sa spaceship para gamutin.

Nagmamadali si Alyssa na pumasok sa kwarto nito upang kumuha ng mga panggamot. Agad itong bumalik sa 3rd floor kung saan doon inihiga si Andrew. Wala pa rin itong malay.

Naglabas si Alyssa ng tatlong bote na gawa sa metal. May nozzle ang mga ito sa tuktok. Mukha itong tin can ng air deodorizer. “Kumuha ka ng plangganang may malamig na tubig. At mga towel.” Utos nito kay Veron. Agad-agad namang sumunod ito.

Pagbalik ni Veron ay may dala na itong planggana na may malamig na tubig at ilang puting towel. Sinimulan na ni Alyssa ang panggagamot kay Andrew.

Pinuntahan naman ni Dan si Alyssa. Sinabi nitong ia-assist niya si Alyssa sa gagawin nito.

Tinanggal muna nito ang naka-compress na towel sa sugat ni Andrew sa leeg. Soaked na iyon ng dugo. Pagkatanggal ay agad bumungad ang namamagang sugat nito sa leeg. Hindi pa rin naampat ang pagdurugo nuon. Kumuha si Alyssa ng isang malinis na towel at isinawsaw iyon sa malamig na tubig. Sinimulan niyang punasan at linisan ang sugat sa leeg at ang paligid nito.

Tinulungan siya ni Veron na tanggalin ang buong pang-itaas ni Andrew. Hinawakan ni Veron ang kamay ni Andrew habang ginagamot ito ni Alyssa. Malamig ang mga kamay nito. Sobrang worried naman ni Veron.

Matapos linisan ni Alyssa ang leeg at ang surrounding part nito ay kinuha nito ang unang bote na gawa sa metal. Inispray ito sa leeg ni Andrew.

“Disinfectant.” Wika ni Alyssa. Kinuha nito sa bag niya ang iba pang gamit. Naglabas ito ng isang maliit na metal na suitcase. Bago ito ilapag ay inisprayan muna nito ang mesang papatungan ng disinfectant. Naglatag si Alyssa ng isa pang malinis na towel sa mesa. Inisprayan din iyon ng disinfectant tiyaka inilapag ng tuluyan ang maliit na metal suitcase.

Naglabas si Alyssa ng isa pang package. Binuksan niya iyon. Ang laman ng mga iyon ay sterile gloves na kulay pink. Nagsuot si Dan ng sa kanya. Tinulungan naman nito si Alyssa na isuot ang gloves nito.

Ang laman ng maleta ay mga pang-suture. May scalpel ito, o ‘yung maliit na kutsilyo na ginagamit ng doktor, meron itong mga sinulid at iba’t ibang uri ng needle- may malaki, may maliit, may round. Si Dan daw ang maga-abot ng mga bagay na kakailanganin ni Alyssa sa pagsu-suture.

Alam na ni Veron ang gagawin ni Alyssa at hindi niya alam if kaya niya bang manuod sa gagawin nito. Nilakasan na lamang nito ang loob at hinigpitan ang kapit sa kamay ni Andrew.

Sinimulan ni Alyssa na tahiin ang sugat ni Andrew sa leeg. Sa unang pasok ng suturing needle sa balat ni Andrew ay napakislot ito. Makikita sa expression ng mukha nito na nasasaktan ito. Mas lalong hinigpitan ni Veron ang pagkakahawak dito.

Patuloy naman si Dan sa pagtulong at pag-alalay sa ginagawa ni Veron. After all, sanay naman siyang ginagawa ang ganitong mga bagay. Nakatingin naman si Stanley dito at worried din.

Bekilandia (To be published under LIB)Where stories live. Discover now