22) Sunday Morning

633 21 19
                                    

Hiii goiyz. Gusto ko lang mag-promote nung iba kong sinusulat, baka type niyo basahin kahit ku-konti pa lang yung chapters at pages. (Yung isa nga, prologue lang eh. Lololol)

Anyways, baka may swak sa taste n’yo:

1)      Soul Search – Fantasy ‘to na may landian

2)      The Ginger Singer- Fanfic ni Ed Sheeran in english na madaming landian

3)      Aphrodite’s Son- New take sa mythology na lalagyan ko rin ng landian

Hahaha sorry kung puro may landian. Mas masarap kaya basahin (in my opinion lang naman) kapag may landian di ba? Nagkakaruon ng spice ang kwento...pero kailangan iaayon sa lugar di ba. Parang cheese lang sa spaghetti yung landian. Pwedeng meron, pwedeng wala. Pero mas masarap ‘pag meron. ;-)

Sa huli, mas mahalaga pa rin yung kwento.

Kaya kong magsulat ng puro kilig at landian lang pero hindi ko gagawin dahil masisira ang mga prinsipyo ko sa buhay. Charrr.

Gusto kong may bagong nababasa palagi ang readers mula sa akin.

Bago pa lang ako sa wattpad (at hindi pa madalas online last year!) at konti lang ang idea ko kung paano nagwu-work ang mga bagay dito o kung ano ang binabasa ng mga readers dito.

Ang sa akin na lang, the RIGHT readers will find me. Yung kaparehas ko ng taste at mga prinsipyo. Hindi ako nagmamadali dumami ang readers ko. For now, kahit nasa sampu lang silang active na nagbabasa, kuntento na ako. Masaya akong nakikipagpalitan ng kuru-kuro sa kanila. ;-)

Okay, tama na ang pasakalye, let’s start this chapter, bitch. :P

XXX

 UPDATE!! 7/10/2014 6:07PM

May Andrewwww reference na ako!!!! Before ko i-post yung Chapter 23 (hindi ko pa tapos i-type) ilalagay ko na siya dito lololol

Siya ang perfect, perfect Andrew na naisip ko.

If you guys familiar with Calum Hood ng 5 seconds of summer, he's my official Andromeda Polaris Blue character reference ;-)

XXX 

=========================================================== 

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

===========================================================

22

[Sunday Morning]

 

As usual, kahit weekends ay maagang gumigising si Veron. Nagpaalam ito kay Andrew at Alyssa na mamamalengke lang. Gusto sanang sumama ni Andrew pero sabi ni Veron ay wag na daw. Mas gusto niya mamalengke mag-isa.

Hindi naman na ito pinilit ni Andrew at sinabing maglilinis na lang ito ng bahay. Mas mainam pa nga daw sabi ni Veron.

Inuna linisin ni Andrew ang first floor. Sala, Dining table, Kitchen. Nagtanong pa ‘to kay Alyssa kung para saan yung walis tambo at dustpan na binigay sa kanya ni Veron kaninang bago ito umalis. Malay daw ba ni Alyssa. Kaya naman nagbukas pa ng computer at ginoogle muna ni Andrew kung para saan ang mga yun.

Bekilandia (To be published under LIB)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz