EPILOGUE

514 23 16
                                    

=========================================================== 

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

===========================================================

EPILOGUE

Lumapag ang tatlong spaceship sa bansang Confuderation, kung saan ang lokasyon ng Beki Police Force. Madaming nag-aantay na mga pulis at sundalo sa pagbabalik nila Andrew kasama ang mga Ancient Beki.

Takot na takot naman si Stanley paglabas ng spaceship. Nangangamba ito na baka ikulong siya. Ngunit wala naman sa kanyang dumakip.

Pagkababa ng limang Ancient Beki sa spaceship ay nagbigay pugay lahat ng mga Beki na naruon. Sinalubong naman sila ng ilang Elite Bekis na siyang namumuno sa buong Bekilandia. Sila ang mga Beki na may alam na meron talagang mga Ancient Beki na nage-exist.

Magka-holding hands naman all throughout si Dan at Stanley simula pagka-apak sa Bekilandia. Ganun din si Alyssa at Byron. Wala namang nagtatanong pa kung sino yung iba nilang kasama.

Nagsibaba na rin ang mga guwardiya ni George. Pinalibutan ng mga ito ang mga Ancient Beki. Isang body guard per Ancient Beki.

At si Veron. Siya ang pinaka-huling bumaba ng spaceship. Kinakabahan siya. Nae-excite. Ewan na. Halo-halo ang nararamdaman nitong emosyon.

Tumingin ito sa langit ng Bekilandia na kulay pink. Parang walang mga Nelestrum na nananakop dahil maganda pa rin ang kapaligiran.

Tinignan nito ang kulay orange na araw.

Tinignan niya ang iba’t ibang uri at kulay ng halaman na nasa paligid. 

At sa huli ay hinanap ng mga mata nito si Andrew.

Nang makita niya ito ay nalaman nitong nakatingin din ito sa kanya.

Bumalik si Andrew sa spaceship upang sunduin si Veron.

Hinawakan ni Andrew ang mga kamay ni Veron at inalalayan pababa ng spaceship.

Ngumiti naman si Veron dito at hinalikan ito sa mga labi.

*FIN?*

===========================================================

Nagustuhan mo ba? Please vote and comment if you do! Importante sa manunulat ang feedback ng kaniyang mga mambabasa. Salamat in advance! <3

Bekilandia (To be published under LIB)Where stories live. Discover now