35) First Phone Call From Bekilandia

464 18 7
                                    

=========================================================== 

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

===========================================================

35

[First Phone Call From Bekilandia]

 

 

 

 

Malapit na mag-gabi. Kakatapos lang mag-laba nila Veron at Andrew sa may balkonahe ng 2nd floor ng bahay. Si Andrew ang nagda-dryer ng mga damit at si Veron naman ang nagsasampay ng mga ito. Si Alyssa naman ay nagluluto na ng hapunan.

Kinuha ni Andrew ang next batch ng mga ida-dryer na damit. Napansin nito ang isang manipis at maliit na panty ni Veron. In-examine niya iyon ng matagal at sinipat-sipat ang tela. Nahuli naman ni Veron kung anong ginagawa nito at tinitigan ito ng masama.  Agad nitong binitawan ang panty at itinapon sa loob ng dryer.

“Anong ginagawa mo sa panty ko?!” Inis na sabi ni Veron kay Andrew.

“W-wala.” Nag-init naman ang mukha ni Andrew. Tumalikod ito kay Veron at tumitig na lamang sa dryer. Nagpatuloy naman sa pagsasampay ng damit si Veron.

Nang biglang may malakas na alarm na narinig si Veron at Andrew.

“Ano yun?!” Gulat na tanong ni Veron.

Sabay umakyat naman sa 2nd floor si Alyssa at pinuntahan sina Andrew at Veron.

“HOY! Nagri-ring yung tablet na naka-kabit sa Beki Satellite Dish! Bingi ba kayo?” Sabay irap nito.

Nauna na si Alyssa umakyat ng third floor para i-check kung sino ang tumatawag sa kanila. Dali-dali namang sumunod si Andrew at Veron dito.

Pagkadating ni Andrew sa third floor ay nilabas ka’gad nito mula sa kwarto papuntang balkonahe ang tablet at Satellite dish. After maiayos ang set-up ng mga ito ay pinindot ni Andrew ang answer button.

“Lieutenant Andromeda speaking!” Bungad ni Andrew sa Beki police officer na nag-appear sa screen ng tablet.

Hindi ka’gad nakapag-salita ang Beki sa kabilang line pero maririnig ang ilang pagsabog at sigawan sa background. Bigla namang tila humina ang signal ng kausap niya at naging blurry ang image nito sa screen. Pag-aalala naman at takot ang naramdaman ni Andrew ng marinig at makita ang mga bagay na iyon. Napahawak naman sa bibig niya si Alyssa.

“Sir police officer? Anong nangyayari diyan? A-asan po si Major General? Hello?! Hello?!” Sunod-sunod na sabi ni Andrew sa police officer sa tablet.

Maya-maya pa ay biglang luminaw uli ang signal ng police officer from Bekilandia at nagsimula na itong magsalita pero choppy ang boses nito.

“Lt. Andromeda! Under attack po ang Bekilandia ng mga aliens!”

“WHAT?!” Hindi na napigilan ni Alyssa ang kanyang emosyon.

“3 days na simula ng umatake ang mga nilalang na tinatawag na Nelestrum. Nuong una ay hindi tinatablan ang buong planeta ng kanilang mga laser dahil sa shield na matagal ng pumuprotekta sa Bekilandia. Ngunit sa 3rd day ng kanilang atake ay dumating ang napakalaki nilang Mother ship at iyon ay nagpakawala ng napakalakas na bomba. Nasirang tuluyan ang shield...” Nanginginig ang boses na sinabi ng police officer.

Bekilandia (To be published under LIB)Where stories live. Discover now