50) Return To Bekilandia

390 16 5
                                    

=========================================================== 

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

===========================================================

50

[Return To Bekilandia]

Magkakasunod na hinigop ng wormhole ang tatlong spaceship. Una ang kay Stefani. Sunod ay ang kay Stanley, panghuli ay ang kay Andrew.

“AAAAAHHHHHHH!!!” Chorus na sigaw ng mga nasa spaceship ni Stanley.

Samantalang wala namang imik ang mga nasa spaceship ni Andrew. Lahat ay composed. Si Veron naman ay kinakabahan. Napahawak ito kay Andrew. Katabi kase ito ni Andrew sa loob ng spaceship.

Namangha ang lahat sa nakita nilang tanawin ng nakalabas sila sa solar system. Nakita ng mga ito ang kabuuan nito. Ang hugis nito. Ang araw. Ang mga planeta na nago-orbit sa palibot nito.

Nakita nila ang mga bituin na malapit sa solar system natin. Nakita nila ang mga constellation. Nakita nila na papalayo na sila ng papalayo sa Milky Way Galaxy.

Para silang lumulutang sa kawalan. Parang walang bigat ang kanilang mga katawan. Nag-seatbelt ang mga nasa spaceship ni Andrew, ganun din ang nasa spaceship ni Stanley. Niyakap naman ni Dan si Stan. Kinikilig ito na makita ang kalawakan. First time niya, kasama niya pa ang love niya. Dream come true.

Hinawakan naman ni Byron ang kamay ni Alyssa. Pasimple. Hindi naman pumalag si Alyssa.

Nage-emote pa ang mga karakter ng biglang bumilis ang paghigop sa kanila uli ng wormhole. Pabilis ng pabilis na tila kakalas na ang mga molecules at atoms ng mga ito sa katawan..

Napapikit na lamang si Veron at niyakap nito si Andrew dahil nawawalan na ito ng sensation sa katawan. Gusto niya lang makatiyak na buo pa siya.

Kanina ay nakikita pa nila ang kalawakan ngunit ngayon ay puro kadiliman na lang ang nakikita nila pero ramdam nila ang movement nila against sa kadiliman na iyon. Mabilis. Parang walang hanggan na paglalakbay....

Nang biglang tumigil ang lahat.

Boom. Lumabas na sila sa kabila ng wormhole.

Nakita ng lahat nag pinkish-blue na planeta. Nakita nila ang dalawang satellite nito. Nakita nila ang own version nito ng Sun.

Nakita nila ang Bekilandia.

Manghang-mangha si Veron dito. Never in her wildest dream na magkakaroon siya ng experience ng space travel. Hindi niya sukat akalain na makakapunta siya sa ibang planeta. Nagniningning ang mga mata nito dahil sa awe sa pagkakita ng planeta. Dati ay pangarap niya lang ang mga ganitong bagay. Dati ay wildest fantasy niya lang ang mga ganito...pero ngayon...

Tinitignan naman ni Andrew ang magandang mukha nito na manghangmangha sa planetang pinagmulan niya. Hinawakan nito ang kamay ni Veron at pinisil ito.

Tumingin sa kanya sa Veron at ngumiti ito sa kanya.

Very emotional naman ang mga Ancient Beki...after such a long time ay nakabalik na sila sa dear planet nila. May mga luhang namuo sa mga gilid ng mata ni George. Kinonsole naman ito ng mga kapwa niya Ancient Beki.

Sa kabilang spaceship naman ay magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ni Stanley dahil may kasalanan itong nagawa sa planetang iniwan. Nireassure naman ito ni Dan. Hinalikan ni Stan si Dan bilang ganti.

Hindi nagpatalo sa PDA si Byron at Alyssa. Basta may ginawa din sila.

Naunang pumunta ng Bekilandia ang spaceship ni Stefani. Sumunod naman ang dalawang spaceship muli dito.

Papasok na sila sa atmosphere ng Bekilandia.

===========================================================

Nagustuhan mo ba? Please vote and comment if you do! Importante sa manunulat ang feedback ng kaniyang mga mambabasa. Salamat in advance! <3

Bekilandia (To be published under LIB)Onde histórias criam vida. Descubra agora