45) Third Ancient Beki

378 19 12
                                    

=========================================================== 

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

===========================================================

45

[Third Ancient Beki]

 

 

 

 

Kinaumagahan ay nakatanggap sila ng tawag mula sa Bekilandia. Dali-daling sinagot ito ni Andrew sa kadahilanang ilang araw na rin silang walang contact sa planetang ito. Nagsipunta naman halos lahat sa third floor upang makibalita din sa Bekilandia. Nasa third floor kase ang tablet na nakakabit sa Beki Satellite dish.

Ang nakausap ni Andrew ay isa pa ring officer. Nalaman nila na after halos isang linggong pag-atake ng mga Neletestrum ay nag-cease fire muna ang mga ito. Okay pa naman daw sila, wala namang further damage except sa pagkasunog ng ilang kabahayan sa Ladiland. Nasa ospital naman daw ang Major General dahil nabagsakan ito ng gumuhong pader dahil sa pagpapasabog nito ng mga Nelestrum.

Hindi na napigilan ni Andrew ang kaniyang sarili na magtanong tungkol sa kanyang kinikilalang tatay. Nangamusta siya kung ano na nangyari sa Confuderation. Okay naman daw lahat ng lugar sa Confuderation. Under ito ng matinding surveillance ng militar. Wala pa rin namang Nelestrum activity dito recently. Sa ngayon ay patuloy pa rin ang page-evacuate ng mga mamamayan dito into a safer place. Nakita rin naman daw nila ang tatay ni Andrew kaya no need to worry. Ng marinig iyon ay tumigil na sa pag-aalala si Andrew. Nakahinga na rin ito ng maluwag.

Ini-update naman ni Andrew ang officer ng mga recent na kaganapan sa earth. Nakwento nito na nakita na nila si Stanley Stellar at kakampi na nila ngayon ang Senior Chemist. Masusulusyunan na ang ninakaw at nasirang Bekirillium Purifier. Samantala, nag-aantay na lamang sila ng iba pang Ancient Beki at pagkatapos nito ay babalik na sila sa Bekilandia.

Natuwa naman ang officer na nasa Bekilandia upon hearing na natagpuan na nila ang mga Ancient Beki. Excited rin ang mga nasa Bekilandia dahil hindi pa nila nakikita ang mga ito at buong buhay nila ay inakala nilang legend lang ang mga ito. Tunay ngang maraming sikreto at lihim ang race nila.

Nagpaalam na ang officer kay Andrew at winish nito si Andrew ng safe flight pabalik sa Bekilandia. Regards na lang daw sa mga Ancient Beki. Okay daw sabi ni Andrew at after nun, namatay na uli ang image sa screen ng tablet.

Hinawakan ni Veron si Andrew sa braso. Katabi ni Andrew si Veron the whole time na may kausap ito from Bekilandia.

“Sama ako...sa Bekilandia.” Wika ni Veron.

“Okay lang ba? Mapanganib ang paglalakbay papunta dun...”

“Ah, okay. Ayaw mo akong kasama...”

“Hindi naman sa ganun. Iniisip ko lang ang kaligtasan mo.”

Pero hindi na inantay ni Veron ang mga sumunod na sinabi ni Andrew. Nag-walk out ito at bumaba na. Na-weirduhan naman si Andrew dito. Bigla-bigla kase itong sinumpong.

Si 2nd Ancient Beki ay bumalik muna sa trabaho. Baka kase hanapin siya ng mga viewers. May shooting ito ngayon sa isa sa mga studio ng ABS-CBN, nagpaalam muna ito at sinabing babalik din mamayang gabi. Si George naman ay abala sa pagpapatibay ng mga defences sa palibot at loob ng bahay ni Veron. Si Stanley naman ay nilagyan ng harang yung portal sa may kusina after umalis ni 2nd Ancient Beki. Ilang beses na kase itong nahihigop nuon ng hindi sinasadya at naaabala siya kapag nagluluto siya. Minsan ay nahigop siya nun at napunta siya sa bahay ni 2nd Ancient Beki na naka-apron pa, at may bitbit na spatula at potholder.

Bekilandia (To be published under LIB)Where stories live. Discover now