29) Surprises

529 20 9
                                    


Hi. Ngayon ko lang nalaman na hindi pwedeng i-promote ng Wattpad itong story ko na 'to dahil Rated-R siya. So hindi siya lalabas forever sa "stories you might enjoy" or "recommended for you", etc.

So for the beautiful readers of this story if it isn't too much to ask, your comments and votes will help a lot for me to promote this story so that it can reach more readers. Hehe. Thank you! <3

By the way, a new pic of Ansel Elgort, Stanley's character reference is on the mm side! Enjoy! <3

 XXX

=========================================================== 

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

===========================================================

29

[Surprises]

 

 

 

 

Hindi pa rin nakaka-get over si Stanley sa nangyari sa kanya kagabi. Walang’yang Camilla iyon. Manyakis ang lola mo. Hindi siya makapaniwala na halos parang na-rape siya. Pero rape ba iyon? Eh hindi naman ako pumalag? Gulong-gulo na si Stanley. Para siyang na-hypnotize or what at hindi sya nakagalaw kagabi.

Isa pa ay na-upset niya si Dan. As in nagpupuyos ang damdamin ni Dan. Sinabi nito na the thing that Camilla did to him was too intimate for a perfect stranger. God, ano na bang nangyayari sa’kin?! Tanong ni Stanley sa sarili.

Hindi na uli bumalik si Stanley sa laboratory na pinag-applyan niya kahapon. At ni hindi siya sumasagot ng mga unknown numbers sa phone niya. Natatakot siya na baka si Camilla iyon. Ang sabi niya sa sarili ay si Dan lamang ang sasagutin niyang phone call from this day on.

Balisa si Stanley kagabi na halos mababaw lang ang kanyang tulog. Nagising siya na nakayakap sa kanya ng mahigpit si Dan at mukhang payapa naman ang mukha nito. Buti pa siya. Wika ni Stanley sa sarili. Buti pa siya nakatulog ng maayos at mahimbing. Pero okay na rin na makita sa ganuong kalagayan si Dan. At least alam ni Stanley na hindi na masyadong bothered si Dan sa mga nangyari kagabi.

Inalis ni Stanley ang pagkakayakap sa kanya ni Dan at nagpunta ito sa maliit na kusina ng condo niya. Binuksan niya ang ref at naglabas ng bacon and eggs. Nagsimula si Stan na magluto ng almusal.

Nangamoy pinrito ang buong condo. Binuksan naman ni Stan ang exhaust fan para higupin nuon ang amoy sa unit.

Naalimpungatan naman si Dan ng dahil sa amoy.”Mmm...baby?” ungol nito.

“Yes babe?”

“Ang bango ng niluluto mo.”

“Amp. Bacon and eggs lang ito. At nagpi-prito lang ako noh. Wag mo nga ako bolahin.”

Tumayo si Dan at lumapit sa kinatatayuan ni Stanley. Niyakap nito si Stanley mula sa likod. Nagulat naman si Stanley dito.

“Baby. Wag mo ko harutin. I’m busy doing something!” Wika ni Stan kay Dan ng sinimulan nitong halikan ang leeg nito.

Bekilandia (To be published under LIB)Where stories live. Discover now