17) Jeepney ride with the Bekis :)

775 20 17
                                    

Umuusad naman na ang kwento kahit papaano. :) Medyo naaayos ko na yung story na 'to so baka mas madalas ang update!

Thank you sa mga nagbabasa kahit mga nasa pito lang kayo. lol. I really appreciate it a lot! <3

Enjoy po! :)

XXX

=========================================================== 

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

=========================================================== 

17

[Jeepney ride with the Bekis]

Mula Cubao hanggang Divisoria, may kalayuan din ang byahe kapag nag-jeep ka lang. Pero for almost all of us, bearable naman ito, lalo na kapag walang trapik. Nasa 45 minutes- 1 hour lang.

Sanay sa ganito si Veronica Elena Dela Cruz. Every Monday to Friday ba naman, ito ang biyahe niya papasok sa school na pinagtuturuan niya. Minsan kapag sobrang rush hour na, nagi-LRT 2 siya. Sa may Legarda station siya sumasakay at bumababa siya sa Gateway Mall. Pero madalas sa madalas (lalo na pag pauwi na) nagji-jeep lang siya. Mas gusto niya na nakaupo lang at walang inaalala kahit mas madaming kinakaing oras ang pag-biyahe gamit ang jeep. Kapag kase LRT, naha-hassle siya umakyat pa ng hagdan, tapos minsan, mahaba talaga (as in mahabang-mahaba) ang pila sa pagbili ng ticket. Sinubukan naman na niya dati na bumili ng stored-value ticket kaso nasayang lang since nauuwi pa rin siya sa pagsakay ng jeep. So she gave up all the attempts na mag-LRT.

Isa pang reklamo niya eh sobrang (as in sobra-sobra) siksikan ang loob ng LRT. May time pa na walang aircon yung nasasakyan niya (nung sumasakay pa siya rito) at grabe talo-talo na ‘to. Yung init, yung amoy ng katabi...Nausea worthy lahat. At syempre LRT, expected mo namang madalas sa madalas eh nakatayo ka, ngunit subalit datapwat... kapag may mga machong lalake na, na involved sa LRT, tapos SILA yung nakaupo...ibang usapan na yun. Madalas, dito nasisira ang inner peace ni Veron. Kahit ayaw na niya pansinin, she can’t help but to give death threats (sa isip lang naman niya) sa mga lalakeng iyon.

So ang end ng story, nagji-jeep si Veron. Kahit mausok, kahit mas matagal ang biyahe. At least sa jeep, naka-sitting pretty siya. At kahit siksikan, NAKAUPO pa rin siya no matter what. At mas mura ata ng limang piso ang jeep compared sa LRT? Hindi alam ni Veron dahil almost 2 years na siyang hindi sumasakay dito.

So ngayon, normal day lang para sa kanya ang pagsakay ng jeep na papuntang Divisoria except for the fact na may kasama siya (at katabi ngayon) na dalawang alien.

Ang dalawang alien na ito if naaalala niyo pa ay si Andrew at Alyssa.

At ang dalawang alien na ‘to ay hindi makapaniwala RIGHT NOW sa tagal ng biyahe. (Kahit 30 minutes pa lang ata ang nakakalipas)

Bekilandia (To be published under LIB)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum