18) Earthlalou 101

674 25 10
                                    

Nakakaiyak na dumarami yung sumusubaybay sa Beki story ko na ‘to HAHA :)) Matagal ko ng gusto magsulat ng mga ganitong genre sa totoo lang (Sci-fi, Fantasy, Weirdo- may weirdo bang genre?LOL) at ang saya-saya ko na nasimulan ko na ngayon. Hindi na ako tinatamad. Sinisikap ko na lagi mag-update dahil may mga nae-excite ng readers (kagaya ko nae-excite din ako pag nagsusulat ako. Oo, baliw ako in real life lol)

May isa pa akong sinusulat yung Soul Search. ‘Pag may time kayo pwede niyo rin siya basahin. Kaso konti pa lang siya eh, baka bitin... Yun yung Fantasy-Romance whatever story ko.

Plus magsu-sulat ako ng Fanfic ng crush kong singer :P Kaso in english ko isu-sulat para just in case makita niya, maintindihan niya. Wahaha!

Ayun lang. Tama na nga daldal. Eto na yung update. Hihi.

PS. Thank you ulit sa pagsubaybay! <3

XXX

=========================================================== 

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

=========================================================== 

18

[Earthlalou 101]

 

 

Saturday morning. Amoy ang aroma ng kape sa buong sala ng bahay ni Veron. Usually, maaga pa rin nagigising si Veron kahit weekends. Dini-devout niya kase ang Saturdays sa pagbabasa ng novels. Certified bookworm ‘tong si Veron as in.

Nasa Chapter 4 na siya nitong The Fall of Five ni Pittacus Lore.  Book 4 ito ng I Am Number Four series na naging movie na rin. Tungkol ito sa mga aliens na naninirahan din dito sa earth. Mahilig talaga sa Sci-Fi itong si Veron kaya nga kahit sa mga novels, ito pa rin yung gusto niyang genre.

I wonder if totoong fiction lang ‘tong sinulat na ‘to ni Pittacus Lore. Parang sobrang totoo eh. Hindi kaya nakasalamuha niya talaga itong mga taga-Lorien? At sinulat niya ang mga buhay ng mga ito? At kunwari Fiction lang? What if nakakilala din siya ng mga Aliens kagaya ko...OMG!

 

 

Biglang naalala ni Veron na hindi na pala siya nagi-isa sa bahay niya!

Nag-panic siya ng husto dahil naka sleeveless lang siyang t-shirt at naka-underwear. Dali-dali siyang tumayo mula sa pagkakaupo at tumakbo papuntang hagdanan.

Madilim pa noong time na yun dahil mag-6am pa lang at ang tanging bukas lang na ilaw ay yung sa sala. Yung hagdan ay nasa bandang kusina at medyo madilim sa part na yun pero aninag pa rin naman kahit papano.

Bekilandia (To be published under LIB)Where stories live. Discover now