30) Love In The Time Of UAAP

567 17 10
                                    

Paolo Onesa, Byron's character reference is on the mm side! Enjoy! <3

XXX

=========================================================== 

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

===========================================================

30

[Love in the time of UAAP]

 

 

 

 

Maaga pa lamang ay may kumakatok na sa bahay nila Veron. Madaming katok, sunod-sunod. Halatang nagmamadali ang tao sa labas.

Kaagad namang nagising si Veron at dali-daling bumaba sa first floor para tignan kung sino ang nang-iistorbo ng ganun kaaga. Nakapang-tulog pa ito at magulo ang buhok. Wala naman siyang ine-expect na bisita ng ganoon kaaga.

Pagbukas ni Veron ng pinto ay bumungad sa kanya si Byron na bihis na bihis. Naka suot ito ng t-shirt ng dati nilang school nuong college. Naka-pants ito ng khaki ang kulay at naka-keds na color blue.

Ano meron?” Inaantok pang sabi ni Veron dito. Humikab ito at pumungas-pungas pa. “Hindi ka naman nag-text sa akin na pupunta ka ngayon at...”

Napansin ni Veron na may isa pang bumababa galing sa taas. Si Alyssa.

“Good Morning Veron.” Masaya nitong bati. “Hello Byron. Pinag-antay ba kita ng matagal?” Nginitian ka’gad nito si Byron at namula naman si Byron ng  dahil duon.

Napansin ni Veron na bihis na bihis rin itong si Alyssa. Naka-tshirt ito na kulay ng dati nilang university. Actually, terno sila ng kulay ng suot ni Byron. First time nakita ni Veron na nagsuot si Alyssa ng damit na hindi revealing ang neckline. Naka-jeans lang din ito at naka-silver na doll shoes.

Naka-pony tail ito ngayon at wow! Ang make up nito ay hindi ganuon kakapal. Naglagay lang ito ng konting blush on sa mga pisngi nito, nag-groom ng kilay pagkatapos ay naglagay ng konting lip gloss.

Takang-taka naman si Veron sa mga pangyayari. Ang nasabi lang nito ay,”Saan ang ganap?”

“Manonood kami ng UAAP. Laban ng dati nating university sa basketball...Sama ka?” Nakangiting alok dito ni Byron.

“Naku thank you pero marami pa akong gagawin eh,” Pagpapalusot ni Veron. Pero sa totoo lang ay gusto lang niyang magkasarilinan ang dalawa. Wala talaga siyang idea kung kailan pa merong namuo sa pagitan ng dalawang ito. Lagi naman niyang kasama ang mga ito kaya ang weird. Nalingat lang siya saglit ay may Alyssa-Byron love team na palang nagaganap.

“Kailan pa nagsimula ito?” Bulong ni Veron kay Byron habang busy si Alyssa na nag-aayos ng itsura sa salamin sa may sala.

Namula naman si Byron at halos hindi ito nakapagsalita.”Ah..eh..” ang tangi lang nitong nabigkas.

“Mag-ingat kayo ha. Ingatan mo yang si Alyssa...Ikaw, naku.” Pang-aasar at pag babanta ni Veron kay Byron.

“Oo, akong bahala sa kaibigan mo.” Sincere namang sagot ni Byron.

Bekilandia (To be published under LIB)Where stories live. Discover now