3) Kung bakit bad vibes si Stanley sa life niya.

1.7K 61 47
                                    

=========================================================== 

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

===========================================================

3

[Kung bakit bad vibes si Stanley sa life niya]

10 years ng chemist si Stanley.

At hindi n'ya pa rin napi-perfect ang pag-purify sa Bekirillium, ang element na dahilan kung bakit nage-exist ang race ng mga Beki.

Ang knowledge sa pagmi-mina ng Bekirillium at pagpu-purify nito ay nagmula pa sa kanunununuan ng mga Beki na tinatawag nilang mga Ancestral Beki. 

Ayon sa legend, galing ang mga Ancestral Beki sa legendary faraway planet na kilala sa tawag na Earth. 

Kung totoo man na may planet earth ay hindi pa rin nila natutuklasan hanggang ngayon.

At ito ang pinagka-kaabalahan ni Stanley ngayon. Ang pagtuklas if nage-exist talaga ang planet earth or isang malaking chismis lang ng race nila iyon.

"Ang chaka ng pangalan!" nasabi ni Stanley sa sarili minsan isang gabi na busy siya sa pag-locate ng longitude at latitude or basta kung ano man ng earth based sa data na nakalap niya na mostly sa legends lang naman niya nabasa.

Sa legends kasi ay naisulat ng mga Ancestral Beki ang mga pwedeng landmarks ng planet earth, halimbawa, nakalagay na nasa Milky Way Galaxy 'to at merong Parent Star na tinatawag nila na Sun.

Ang nagpasaya lang kay Stanley eh yung "Milky Way Galaxy," bet na bet niya yung Milky Way sa hindi niya maipaliwanag na dahilan.

So ayun, chemist by day at secret astronomer/astrophycist whatever si Stanley by night.

Ay teka, di ko nakwento pala bakit bitter si Stanley, haha, sorry.

Kase yun nga, hindi niya ma-perfect ang pag-purify ng Bekirillium. Palagi na lang sa 1500-2000 na beki babies na pinu-produce nila kada taon eh may 300-400 na nagkukulang ng chromosome count.

Kung sa ating mga earthlings eh Down Syndrome kapag sumobra ng chromosome, sa kanila naman uso kulang ang chromosome, at sila yung mga tinatawag na Confused.

Tinatag ng UNB (United Nation of Bekineisha) ang Confused 200 years ago dahil sa pagiging confused ng mga Beki na 'to.

Hindi nila alam kung paano ma-inlove.

Hindi nila type yung mga Paminta, or yung mga kamukha nilang Beki.

At hindi rin sila naa-attract sa mga Ladlad, or yung mga Beki na nagpa-sex change at kung dito sa earth ay kamukha sila ng mga female natin.

Mahalaga sa UNB na maging maligaya ka at mahanap mo ang tunay na pagmamahal, nasa batas pa nga nila ito, kaya malaking frustration paminsan ng UNB ang mga Confused, pero over the centuries eh pinabayaan na lang ng gobyerno ang mga ito.

At the age of 20 beki years, (though parehas lang naman ito sa earth years nating mga tao) ay nagkakaroon na ng idea ang mga Beki kung ano ang type nila, if Ladlad or Paminta, at isa na dito si Stanley.

25 years old na si Stanley, malapit na sa marrying age ng mga Beki, which is 27-28yo,

3 years ago ay nakita na ni Stanley ang bet niyang ibigin simula ng mapasok siya sa pinagtatrabahuhan niya ngayon, which is now, Senior Chemist na nga siya.

Kaso, isa itong Confused.

3 years ago ng makilala ni Stanley si  Andromeda Polaris Blue. Or Andrew for short. And Drew for shorter.

Drew kasi ang tawag ni Stanley dito.

Nagtatrabaho si Andrew sa BPF or Beki Police Force. Twice a month ay dumadalaw siya sa laboratory kung saan pinupurify ang Bekirillium at gumagawa ng mga new Beki babies by implanting nga the said element to the pool of sperms and fertilizing via in vitro fertilization (test tube babies)

Sinisigurado ng BPF na maayos and in order ang lahat ng aspect ng kanilang lipunan, establishments, schools, laboratories, etc. Ang BPF ay rank 2 sa power after ng UNB leaders and officials.

At dahil senior chemist si Stanley ay siya ang nagwi-welcome madalas ng mga bisitang kapulisan para mag-inspeksyon.

At hindi niya sinasadya.

Ma-love at first sight kay Andrew.

Tulo laway ni Stanley sa jet black hair ni Andrew. Tapos long hair si Andrew which he pony tail naman para neat tignan. Crisp and clean ang uniform ni Andrew na bagay na bagay sa kanya sa tingin ni Stanley.

Medyo rugged look nga si Andrew noong first time makita ni Stanley kase hindi pa siya nakakapag-shave ng maayos ng facial hair, pero okay lang, good amount of stub lang naman, gwapo pa rin tignan.

Chinito. Laging naka-half smile. Muntik mapatili si Stanley, haha. Pero napigil niya sarili niya.

Anyways, ayun 3 years ng nagdudusa si Stanley dahil sa unrequitted love niya kay Andrew. At dahil dun, na-bitter siya sa lahat ng Confused. At mas lalo siyang na-bitter dahil di ba, yung work niya, chemist siya, eh hindi niya ma-figure out on how not to produce any defected Beki anymore kahit hindi naman harmful yung mga Beki na may defect, it is just that, nagka-glitch lang sila sa mga romantic feelings.

At ang plano niya, kaya niya hinahanap ang legendary planet earth ay dahil andun daw ang kasagutan sa problema ng mga Confused, which is, narinig niya lang din sa mga chismis, LOL.

Ang hilig ni Stanley sa chismis, haha! xD

At bukod dun, may isa pang plano si Stanley kung bakit niya hinahanap ang planet earth. Basta. Hehe.

 ===========================================================

Nagustuhan mo ba? Please vote and comment if you do! Importante sa manunulat ang feedback ng kaniyang mga mambabasa. Salamat in advance! <3

Bekilandia (To be published under LIB)Where stories live. Discover now