23) Caught In A Bad Bromance

636 18 11
                                    

I’m posting another Calum Hood (Andrew’s character reference) sa may side. Hihi :-)

Crush ko po si Calum nowadays =P

XXX

=========================================================== 

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

===========================================================

23

[Caught In A Bad Bromance]

 

“Mag-iimbestiga ka sa school na pinagtuturuan ko?” tanong ni Veron kay Andrew.

Sobrang weirdo ng mga ikinikilos ni Andrew nowadays sa pakiwari ni Veron. Simula nung movie date at nung pagpunta ni Byron sa bahay nung Sunday, may kakaibang nangyari kay Andrew, naging...clingy ‘to.

Una ay nung namalengke siya nung Sunday, gusto nitong sumama tapos ngayon naman, papasok siya ng school para magturo, gusto ulit nitong sumama.

Pakiramdam ni Veron ay ginagamit lang ni Andrew na excuse yung mag-iimbestiga ito sa paligid ng school na pinagtuturuan niya para lamang makasama ito sa kanya.

“Oo, malay mo, baka andun lang pala si Stanley sa part na iyon ng Quezon City...who knows di ba?”

“Oh, eh bahala ka. Tara na, aalis na ako.”

Nakapang-teacher na uniform si Veron at naka-casual na damit lamang si Andrew. Kapag pumu-porma ito ay nalilimutan ni Veron na hindi nga pala ito tao at galing nga pala ito sa ibang planeta.

Nung isang araw ay bumili sila ng mga damit ni Andrew at Alyssa sa SM Manila. Paano kase, kahit maraming damit itong si Veron ay hindi naman lahat talaga kasya kay Alyssa dahil ang laki ng boobs nito. Pati mga underwear at bra ay namili din si Alyssa.

Si Andrew naman ay mas malaki ang body built sa kuya ni Veron so hindi niya rin magamit ang mga naiwang damit ng kuya ni Veron duon sa bahay niya. May mga t-shirt ang kuya ni Veron na saktong kasya lang kay Andrew pero masikip sa mga braso nito dahil na rin siguro sa medyo malaki ang biceps at triceps ni Andrew. Para hindi masayang, ginupit nila ang mga manggas ng mga t-shirt na iyon at nagmukhang muscle shirt ang mga iyon. Imba talaga ang nagagawa ng mga walang manggas na t-shirt na iyon pag suot ni Andrew. Nakakatulo laway.

So ayun, ang ending, namili na rin si Andrew ng mangilan-ngilang damit at boxers.

Mas gusto daw ni Andrew ang boxers kesa brief dahil mas “maraming room” compared sa brief.

Tawa ng tawa si Veron dahil may nagustuhang boxers si Andrew sa may Bench. Yung design nung boxers eh parang galaxy o milky way...Basta kulay black/dark purple ito at may mga nagkalat na bituin sa disenyo.

Hayag namang pinakita ni Alyssa ang pagkadismaya sa isang boxers sa Bench na color neon green at may mga aliens na color neon green din at may mga matang black at hugis almond.

Bekilandia (To be published under LIB)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu