4) Excerpt sa diary ni Stanley

1.2K 44 30
                                    

=========================================================== 

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

===========================================================

4

[Excerpt sa diary ni Stanley]

 

Dear Diary,

Inspection week ngayon dito sa UNB International Lab and si Lieutenant Andromeda Polaris Blue pa rin ang assigned sa area ko.

Grabeeeeeeeeeeee! Waley. Ang gwapo niya and ang hot d'un sa uniform niyang navy blue. Pero siyempre hindi ako nagpakita ng kahit anong bakas ng kilig kase dyahe, head chemist ako tapos kilig-kilig ako ever. Ano kaya yon.

Matagal ng assigned sa area ko si Andrew. (Oo Andrew na lang, ang haba ng Andromeda Polaris Blue) Every inspection ay nagkikita kami. Lagi niya 'ko gini-greet with matching smile pa. S'yempre ako, pa-men effect, kunwari hindi affected. Mehehe.

Matagal na, oo, pero pag nakikita ko siya ay parang first time lang ang lahat. Bumibilis ang heart beat ko. Lalo na pag hinahawakan niya ko sa balikat. Charot.

Pero oo nga. KIligzzz much. Ang bango niya. Tapos yung jet black hair niya na parang out of this bed lang yung ayos tapos ipinony tail niya lang ng hastily ay nakikita ko pa rin hanggang ngayon.

Actually, binigyan niya ko ng number niya matagal na. At before ng day na pupunta sila sa lab ay tinitext niya ko, tinatanong if papasok ba 'ko tomorrow ganyan kase pupunta daw siya.

Sa tingin ko medyo close naman na kami kase one time before inaya ko siya mag-coffee after work namin, pumayag naman siya. Libre ko sana, kaso siya na yung nagbayad sa'min. Mehehe. Kinilig naman ako dahil ang gentleman niya.

Lahat na nasa kanya, gwapo, gentleman, makisig...oh and did I mentioned ba na parehas kami ng taste sa movies and books? I can say na he is an intelligent dude after all kase I find myself intelligent and he can keep up with me when we converse. 

Ang tagal ko na siyang pinagnanasaan, pero bakit ganun, parang hindi man lang siya naaakit or nagkakaroon ng clue?

Hug lang ang nakuha ko sa kanya at malamyang "thank you"  nung dating Valentines nung binigyan ko siya ng cookies na shaped na heart?

Pero malay natin, nahihiya lang din siya sa'ken. After all, I'm the head chemist. Sino bang hindi mahihiya sa'ken? Bukod sa I'm physically hot eh intellectual person din ako.

Both Ladlads and Pamintas ogle at me.

If I know, isa na dun si Lt.Andrew.

Kahit Confused siya at alam naman natin ang history ng mga confused duuh.

Pero kahit na. No one escapes the hotness of Stanley Stellar. I am indeed one of the most attractive Pamintas out there.

Hihi. KIlig.

Bukas ay ako na ang gagawa ng first move. Magtatapat na'ko kay Andrew.

Andrew, you'll be mine.

XOXO.

Stanley.

 ===========================================================

Nagustuhan mo ba? Please vote and comment if you do! Importante sa manunulat ang feedback ng kaniyang mga mambabasa. Salamat in advance! <3

Bekilandia (To be published under LIB)Where stories live. Discover now