49) Chase

353 17 5
                                    

=========================================================== 

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

===========================================================

49

[Chase]

 

 

 

 

Hindi makapaniwala si Dan na Ancient Beki rin pala ang idol niyang international singer. Kinukulit nito si Stanley. Rant ito ng rant.

“Ano ka ba, mamamatay na tayo, masaya ka pa diyan!” Wika naman ni Stanley habang busy ito sa pag-ilag sa mga black laser na pinapaulan ng mga fighter jet plane na humabol sa kanila.

Kaagad kase silang hinabol ng mga ito once na nahimasmasan ang mga ito after ng explosion na naganap nung nagsalubong ang black energy ng mga Nelestrum at pink na energy ng bagong dating na Ancient Beki.

Nauuna sa himpapawid ang malaking pink na spaceship ni 5th Ancient Beki. Sumusunod naman dito ang dalawa pang spaceship.

“Pumunta kayo sa harapan ng spaceship ko. May gagawin ako sa makukulit na humahabol sa atin.” Wika ni 5th Ancient Beki sa monitor na naka-locate sa likuran ng spaceship nito.

Sumunod naman ang dalawang spaceship sa utos ni Stefani o 5th Ancient Beki. Ito daw ang pangalan nito ayon kay George.

Matapos pumunta sa harapan ang dalawang spaceship ay biglang naglabas ng pink na laser ang magkabilang side ng spaceship ni Stefani. Nag-evaporate naman ang mga jet plane na natamaan ng mga laser na iyon.

Maya-maya pa ay nakita nilang sumusunod din sa kanila ang mothership na kinalalagyan ni Camilla at Deek. Paminsan-minsan ay tinitira sila ng mga ito ng dark energy ngunit lagi namang handa si George upang maglagay ng shield sa palibot ng tatlong spaceship. Tinutulungan din siya ni Leo na pahintuin ang mga laser at energy na itinitira sa kanila bago pa sila tamaan ng mga ito at si Romerica naman ay nagki-create ng portal upang duon sa loob nun tumama ang mga atakeng nakadirekta sa kanila.

Si Andrew naman ay tumawag sa Bekilandia. Nasa kanya ang satellite dish na may nakakabit na tablet. May sumagot naman kaagad sa tawag nito.

“Hello! Lt. Andromeda speaking! Pabalik na kami sa Bekilandia! Kasama ang 5 Ancient Beki at si Stanley Stellar!” Wika ni Andrew sa Beki on the other line.

“WHAAT? OMG! That’s sobrang good news!” Nagtititili naman ang Beki sa kabilang linya. Napansin naman ni Veron na parang conyo ata yung officer na nakasagot sa kanila.

Biglang tumugtog naman ang isang kanta na sikat ni Stefani. Nanggagaling ang tunog sa spaceship nito. Sumabay naman kumanta si Dan at na-weirduhan dito ang mga kasama nito sa spaceship.

Habang umiilag sa mga atake sa kanila at habang nagka-counter attack ay naging parang background music nila ito dahil sa upbeat nitong sound.

“Bilisan niyo ang pagbabalik. Kailangan ng Bekilandia ang tulong niyong lahat!” Seryosong wika ng officer na kausap ni Andrew after mahimasmasan nito.

“Okay. Papunta na kami sa portal na nagku-konekta sa Earth at Bekilandia.” Wika ni Andrew.

“Mag-ready na tayo! Andito na tayo sa wormhole!” Sigaw ni Stefani sa monitor nito.

===========================================================

Nagustuhan mo ba? Please vote and comment if you do! Importante sa manunulat ang feedback ng kaniyang mga mambabasa. Salamat in advance! <3

Bekilandia (To be published under LIB)Where stories live. Discover now