21) The Fault In Our North Star

644 26 26
                                    

Last chapter for Bekilandia for now dahil ia-update ko yung dalawa kong story na natengga – Soul Search (Fantasy-romance whatever) at yung The Ginger Singer (Ed Sheeran FanFic) if type niyo sila basahin, gorabells lang. lol

Malapit na maka-5k reads itong Bekilandia at sobrang grateful ako dahil hello, 61 lang naman ang followers ko hahaha at isa lang ata ang masugid kong mambabasa dati lol

Wag kayong mag-alala. Marami pa ‘tong chapters and may possible book 2 (That is, ‘pag hindi ako tinamad gumawa ng sequel)

So ayun, tama na ang pasakalye at heto na ang Bekis! Enjoy! ;-)

 

XXX

=========================================================== 

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

=========================================================== 

21

[The Fault In Our North Star]

 

 

Gateway Mall, after lunch. Nakatambay sa may Starbucks coffee sina Veron, Andrew at Alyssa. Dun sila sa may loob nakatambay since ayaw nila makalanghap ng amoy ng yosi from the outside. First time lang makaamoy ng yosi si Andrew at Alyssa at hilong-hilo ang dalawang Beki as in. Um-order na sila ng mga kape. Signature choco drink ang in-order ni Andrew at nakwento nito ng pabulong kay Veron na may ganun din daw sa kanila sa Bekilandia. Strawberries and Creme naman ang in-order ni Alyssa at Green Tea kay Veron.

Ang totoong pakay nila talaga ay i-check kung nasa maayos pang kalagayan yung spaceship ni Andrew at Alyssa, which upon checking kanina eh maayos pa naman at wala pa ring nakaka-discover na may spaceship na nakatago sa harapan ng Gateway Mall.

Before tuluyang umuwi ay nag-aya mamasyal muna si Veron at manuod ng sine. Ano daw yung sine sabi ng mga Beki which Veron explained animatedly na merong palabas na pinu-project sa isang malaking monitor or screen. Agad namang naka-relate ang mga Beki since meron ding ganun sa kanila.

4pm pa ang showing ng movie nila kaya naman tumambay muna sila dito sa Starbucks.

XXX

Pinapanuod ni Veron at Andrew si Alyssa habang kinu-cross out ang mga lugar sa Metro Manila na walang signal na nakukuha galing sa Beki radar. Meron itong dala na mapa ng metro manila at isang matabang red marker.

Simula ng makita nila yung isa pang green dot dun sa beki radar monitor eh hindi na uli ito lumabas at nagtataka sila kung bakit kaya.

Naisip ni Andrew na baka nasira lang ang Beki radar or nag-malfunction since nasa Earth na sila at wala na sa dati nilang planeta. Baka hindi gumagana ng maayos ang Beki radar dito.

Ngunit iba naman ang palagay ni Veron. Naisip nito na sadyang magaling lang mag-conceal ng katauhan ang hinahanap nila kaya nawala na ito ng tuluyan sa Beki radar.

Bekilandia (To be published under LIB)Where stories live. Discover now