"I figured out what's this negative sign here means," panimula ni Iana at naging seryoso na ang boses niya, "20/1 means 20 subtracted by 1 is 19. The 19th letter is S, so the first pair is T/S."

Sinulat iyon ni Iana sa isang papel. Muli akong napatingin sa code at sa mga naunang letra na naisulat ni Warnell noong unang beses silang nag-decode.

- (20/1:6/-13:15/-5:6/1:19/7:20/19)

T, F, O, F, S, T.

"Then 6 minus negative 13 is 19. It's the same letter but the combination now here is F/S. 15 minus negative 5 is 20. The 20th letter is T. 15/-5 is O/T."

Kinuha ko ang isang lapis sa tabi ni Warnell at ang isang papel. Isinulat ko rin ang mga nasa papel ni Iana.

T/S

F/S

O/T

F

S

T

May tatlo letra pa ang walang kasunod.

"Same process. 6 minus is 1 is 5. This 6/1 is F/E. 19/7 will have a difference of 12 so this will become S/L. Then 20/19 is T/A," tinapos iyon ni Iana at nakahalukipkip na nag-angat ng tingin sa amin.

"T/S, F/S, O/T, F/E, S/L and T/A," nakakunot noo kong binanggit ang mga letra.

"Just what I have said the first time, the first numbers are the placements of the letters," ani Jax at tumayo pa ito.

Magtatanong pa sana ako dahil wala na namang numero rito ngunit nakuha ko rin ang punto niya nang pasadahan ko ng tingin ang mga naunang letra.

One. Two. Three. Four. Five. Six.

Mabilis kong isinulat muli ang mga letra ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga ito at ramdam ko ang mga tingin nila sa akin.

O - T

T - S

T - A

F - S

F - E

S - L

"TSASEL," basa ko at tumingin sa kanila, "what's this?" naguguluhang tanong ko.

Kinuha ni Nazaire ang hawak kong papel at lapis at pinagpalit ang dalawang letra bago ito iniabot sa akin.

"The code does not state which of the two T and two F should come first but it's clear now. It's TASSEL," aniya at ginulo ang kanyang buhok bago mariing ipinikit ang mga mata at itinikod ang dalawang kamay sa lamesa.

Bigla kong nailapag ang hawak na papel nang mapagtanto kung ano ang mangyayari sa araw na ito. Today is the graduation day and a tassel plays a big role every graduation!

"Oh my god..." ani ko habang kinakapa ang mga salitang gusto kong bitiwan.

"Weiss, alert everyone. Pabantayan mo ang lahat ng sulok ng academy and tell Kylan to secure all the passages. And Warnell, I want you to secure your area," utos niya sa mga ito.

Kaagad na tumango ang dalawa habang si Nazaire ay matalim pa rin ang titig sa papel.

As much as I wanted to suggest na i-reschedule na lang ay graduation ay hindi na rin pwede, at kung pwede ay kanina pa nila ito ginawa ngunit umalis silang tatlo upang ipulong ang lahat ng tauhan.

I also realized that if we ever postpone the graduation day, there is still no way out. Dahil unang-una, hindi ang eksaktong araw ng graduation ang nakalagay sa code.

Heartfilia's PremisesWhere stories live. Discover now