Chapter 17

59 6 0
                                    

Mabilis kong itinulak ang glass door na naghihiwalay sa lobby at sa rooms. Kaagad akong dumiretso sa aking kwarto at hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa puntong ito. Nakaawang ang pintuan.

"Naya!" 

Paulit-ulit na tawag ko ngunit walang Naya ang nagpapakita sa akin. I checked the bathroom but there was no sign of her. And tell me I am stupid for checking my walk in closet, but I did! I am so desperate to find her. 

Kaagad akong lumabas ng aking kwarto at sa pagkataranta ko ay muntik na akong matapilok. 

"Leigh!" kaagad akog napalingon ng marinig ang boses nina Naya at Louise sa aking likuran nang akmang pipihitin ko na ang door knob ng glass door.

"Naya. Shit. Where have you been?" nag-aalalang tanong ko rito at kaagad ko siyang dinaluhan ng yakap.

"I am sorry Leigh. I took her as soon as I heard the gunshots. Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Louise sa akin ngunit gusto ko man siyang sagutin ay hindi ko magawa.

Kung ano ang kabang nararamdaman ko ay ganoon din ang bigat ng nararamdaman ni Naya.

"W-wala bang nangyaring masama sa inyong dalawa? Wala bang nakapasok dito?" tanong ko sa kanila nang humiwalay ako sa pagkakayakap kay Naya.

"24/7 na bantay sarado ang dormitory buildings Aleighna. There is nothing to worry about. Ikaw? Shit! What happened to you, huh?"nababakas ko sa mga tinig ni Louise ang labis na pag-aalala sa akin.

Iginiya ko sila sa loob ng aking dorm at kaagad na ni-lock ang pinto. Louise gave both Naya and I glasses of water. Nang napakalma ko na ang aking sarili ay saka pa lang ako nagkapag-kwento kay Louise. I turned to my side and saw Naya peacefully sleeping already.

"I dropped by at the grocery and the fire from the bar welcomed me when I got out. I thought that was the only problem but minutes later, series of gunshots when fired and heard. And damn, Louise!" ani ko at ramdam ko na ang namumuong luha sa gilid ng aking mga mata, "The bar exploded. Nakita kong tumilapon ang ilang mga estudyante. There were bombs, Louise! For goodness sake! How could that be even possible?"

"Oh my, God, Leigh," gulat na saad ni Louise at hindi rin alam kung ano ang magiging reaksyon niya sa nangyari kani-kanina lang. 

"And Louise," dugtong ko at dahil sa panlalamig ng aking kamay ay kaagad kong naramdaman ang init ng kanyang kamay nang hawakan ko ito, "Someone fired his gun directly towards me."

"What the hell, Leigh?" 

Naihilamos niya ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha. 

Louise spent the night here. Hindi na rin siya nagpumilit pang umuwi sa kanyang dorm nang pinakusapan ko siyang dito na muna dahil natatakot pa rin ako sa nangyari. It was traumatizing for Pete's sake!

Kinaumagahan ay magkakasabay kaming gumising na tatlo dahil sa kalabog sa pintuan at kaagad kaming napatayo ni Louise nang bumukas ito.

"I am sorry for crashing in but Nyazel what the hell are you doing here!?"

Tila nawala ang antok ko dahil sa nagngingit na boses ni Nazaire. Tatanungin ko pa sana siya kung paano niya nagawang makapasok dito nang maalala kong maaari niyang buksan ang mga dorm gamit ang kanyang fingerprint.

"Kuya!" kaagad na napatayo si Naya at napayakap sa kanyang kapatid. Nagkakatitigan na lamang kami ni Louise.

Napansin ko ang dugo sa gawing tyan ni Nazaire. It was the same cloth he was wearing last night! Nagsimula akong kabahan nang maalala ko ang huling sinabi ni Jax na unstable pa rin ang lagay ni Nazaire.

Heartfilia's PremisesМесто, где живут истории. Откройте их для себя