Chapter 18

69 6 1
                                    

Muli akong nagpaalam kay Louise at Naya. I did not anymore bother to double check my room since I was going to leave it with Naya. Yes, I told her that she could stay there and Louise assured me that she would be with Naya the whole time that I would be away.

Mabibigat ang mga paa ko habang tinatahak ang mahabang daan patungo sa main gate ng Heartfilia Academy. Mula sa kinroroonan ko ay nakita ko na ang bugatti veyron ni Lester. Hindi ko na mabilang kung ilang buntong-hininga na ang pinakawalan ko. Nang malapit na ako sa main gate ay natanaw ko ang sabay-sabay na pabukas ng pintuan ng sasakyan at inilabas noon sina Lester, Mart at si Iana na nakataas na ang isang kilay.

Para bang gusto ko nang takbuhin ang layo ng mga agwat namin sa isa't isa. I missed the already. Kasabay nang pagbilis ng aking mga hakbang ay ang pagtakas ng aking luha. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at agad na niyakap si Iana nang makalapit ako sa kanila.

"Finally! After more than a month, Aleighna Lowrie!" aniya sa gitna ng pagyakap ko sa kanila. 

"Welcome to the outside world, Leigh!" pang-aasar ni Lester at humiwalay ako sa pagkakayakap kay Iana at nilapitan siya. He half-hugged me.

Pinakawalan niya lamang ako nang tumikhim si Mart sa kanyang tabi.

"To the long lost love of my life," ani Mart at inilahad ang nakabukas niyang mga kamay. 

Napaismid ako roon at nilapitan siya and like what he always did, he ruined my hair again by patting my head. How I missed these people!

Napahiwalay ako kay Mart nang marinig ang pagbubukas ng mataas na gate ng Heartfilia Academy. Dahan-dahang lumabas doon ang isang itim na lamborghini at tumigil ito sa harapan namin. Kaagad na bumaba ang bintana ng sasakyan at kitang-kita ko sa loob ang imahe ni Nazaire.

Lumingon ito sa aming direksyon at pinasadahan ng tingin ang aking mga kasama bago niya ipinako ang tingin sa akin. Kaagad kong naramdaman ang paghigpit ng hawak ni Mart sa aking palapulsuhan. Tiningnan ko lang siya saglit bago ko muling ibinalik ang tingin ko kay Nazaire.

"I want you back Sunday morning," aniya ng may maawtoridad na boses.

Kung normal na pagkikita lang ito ay iisipin ko agad na dahil lang ito sa pagiging presidente niya. Ngunit ramdam ko ang bigat ng bawat sandaling binitiwan niya. He wanted me back because he was damn scared that the longer I stayed outside, the more chances of me telling other people what was really up to inside the premises.

Humakbang si Lester paabante at sinilip si Nazaire.

"I guess you are the Student Central Board of Heartfilia Academy. I am Lester Vega," aniya at inilahad ang kamay kay Nazaire ngunit sandali niya lamang itong tinitigan bago tumango at palagay ko ay nakuha ni Lester ang nais nitong iparating at humakbang na ito paatras. 

Muli akong nilingon ni Nazaire at bumaba ang tingin nito sa kamay ni Mart na nakahawak pa rin sa aking palapulsuhan bago pinaharutrot ang kanyang lamborghini.

"Woah! You should have told us that you have a possessive slash masungit na SCB President there, Leigh" ani Iana at iwinagayway pa ang mga kamay sa hangin, "But he is hot, Leigh. Goddamn hot," dagdag niya pa at napataas ako ng kilay nang tumitig siya sa akin.

"I know that look, Sheiana Cereza," ani ko rito bago kami nagsipasok sa sasakyan ni Lester.

Mart took the passenger seat at kami ni Iana ang nandirito si backseat.

"So Leigh, tell me, what's his name?" kaagad na sambit niya nang nagsimula nang magmaneho si Lester palayo sa academy. Tinapunan ko muna ito ng tingin bago lumingon kay Iana ngunit bago pa man ako makasagot ay sumingit na si Mart.

Heartfilia's PremisesWhere stories live. Discover now