Chapter 22

56 5 0
                                    

Alas siete na yata nang matapos kami ni Ross sa paglalaro at kumain lang kami saglit sa isang restaurant bago namin lisanin ang mall.

Puro tawanan lang ang ginawa namin ni Ross habang nasa byahe. Pinagku-kwentuhan namin ang mga nangyari kanina habang nasa arcade kami.

"You almost hit the old man Leigh!" aniya sa gitna ng mga tawa niya.

"I almost did! Buti na lang hindi!" tugon ko rin dito at namayani na naman ang aming tawanan.

Habang naglalaro kami ng basketball kanina ay tumama sa gilid ng ring ang bola. It bounced back and I stiffened. Mabuti na lamang ay nasalo ng isang lalaki iyon dahil kung hindi ay paniguradong tatama iyon sa matandang lalaki na pinapanood ang kanyang apo.

Ilang minuto rin ang itinagal ng aming byahe bago kami makarating sa pupuntahan namin.

"A bar, Ross? Really?" tanong ko nang makakababa kami at nginitian niya na lamang ako bago hilahin papasok.

Tumambad kaagad sa aking paningin ang iba't ibang kulay ng mga ilaw at ang ingay ng musika. Hawak-hawak ako ni Ross sa aking palapulsuhan habang sinasalubong namin ang alon ng mga nagsasayawang mga tao.

"Ross!" bati sa kanya ng sa tingin ko ay kaibigan niya nang makarating kami sa mga upuan.

Nakipagkamayan si Ross dito at umusog naman sila upang bigyan kami ng pwesto. Nauna akong paupuin ni Ross bago siya.

"Girlfriend?" tanong ng isa pa nilang kasamahan at itinuro ako.

"A colleague, Mond," tugon ni Ross at kaagd nitong sinalo ang bote ng beer na bahagyang inihagis sa kanya.

Ipinakilala sa akin ni Ross ang apat na kasama niya ngunit hindi ko na masyadong nasundan ang mga pangalan nito.

"And her name is Leigh," baling niya sa akin at tumango na lamang ako sa mga kaibigan niya, "They are my former teammates, Leigh."

Nalaman ko na ang dalawa pala rito ay sa Heartfilia Academy din nag-aaral ngunit dahil wala naman akong hilig sa baseball o sa pakikisalamuha sa iba ay hindi ko alam. Ang dalawa naman ay sa Western Amville University.

"Do you drink?" baling ni Ross sa akin.

Sa halip na sagutin ang tanong niya ay kinuha ko na lang isang bote sa lamesa at kaagad na uminom mula rito.

"I guess?" sagot ko rito at kaagad naman siyang napatawa kasabay ng lalo pang paglakas ng musika.

Hindi ko talaga maipagkakaila na masyado akong nakulong sa loob ng academy. Masyado akong naging abala sa paghahanap ng mga sagot na nakalimutan ko na ang buhay ko rito sa labas.

Napatigil ako sa pakikipagtawanan sa kanila nang maramdaman ko ang aking cellphone. Kinuha ko ito sa aking sling bag at bumungad sa akin ang pangalan ni Iana at Louise.

Iana: Weiss is asking me kung magkasama tayo. Where are you?

Bahagya akong napatawa sa mensahe ni Iana at sinimulan ko nang magreply sa kanya.

To Iana: Weiss Holstein. Damn girl. I am with a friend by the way. Just chillin'. Love you, S.

When it was already sent, I immediately opened Louise's.

"Ross tara sa dancefloor!"

Nabawi ng kaibigan ni Ross ang aking atensyon at hinihila na nito ang mga kasamahan niya ngunit tinanggihan lang ito ni Ross at ganoon din ng isa niyang kasama na nanatili lang na nakaupo kasama namin.

Sinundan ko ang papalayong likuran niya. Should I give them a compliment for being amazed because they have no girls with them? Of course, except for Ross for bringing me here.

Heartfilia's PremisesWhere stories live. Discover now