Chapter 31

61 3 1
                                    

Itinabi ni Louise ang mga notebook namin at ilang papel na nakakalat sa ibabaw ng lamesa at inilagay niya roon ang nachos.

"How's Naya by the way?" tanong ko habang nagmemeryenda kami.

"Nasa sarili niyang dorm. She does not want to be disturbed when studying," sagot naman ni Louise at bahagya pa itong tumawa.

"Siya nga pala Leigh," aniya at bigla itong naging seryoso, "I saw you running at the hallway? May problema ba?" tanong niya sa akin.

Sandali kong tiningnan si Louise.

"May hinahabol ka raw sa fire exit. Alam ba ni Nazaire 'yon?" tanong niyang muli.

Bahagya akong napapikit at saka umiling.

"Louise..." panimula ko habang nag-iingat ng mga salitang bibitawan, "Huwag mo na lamang akong tanungin doon. It is better if you know nothing. Baka madamay ka lang 'pag nagkataon."

"So there really is something," aniya na halos pabulong na.

Sandali kaming binalot ng katahimikan bago siya muling nagsalita.

"Leigh hindi ko alam kung tama ba na huwag mong sabihan kay Nazaire ang kung ano mang nangyari kanina. Alam kong iniisip mo lang na dadagdag ka sa mga inaalala niya pero Leigh... mas malalayo ka sa kapahamakan kapag alam niya," saad ni Louise at tila nakikiusap ang mga mata nito.

"Hindi pwede Louise. Masyado nang marami ang nakalagay sa balikat ni Nazaire at hangga't kaya kong ingatan ang sarili ko ay gagawin ko. I do not want to be a burden to him," tugon ko.

Nakita ko ang pag-iling niya.

"You will never be a burden to my cousin, Aleighna. He cares for you. Alam mo naman iyon diba?"

Tumango ako, "I know. Pero ayaw ko lang na dumating sa punto na sa sobrang pagprotekta niya sa'kin ay mailagay ko siya kapahamakan."

"Gosh..." bulalas ni Louise.

Napahawak ako sa aking sentido. If only I could take back what I just said, I would really do it. It looked like I just gave her a clue of how dangerous the things that are happening to me are and can become.

"Leigh, didn't I tell you before na minsan lang magpakita ang mga Heartfilia?" pag-iiba ni Louise ng usapan.

Napaayos ako ng upo at diretsong tumingin sa kanya.

"Pero nagpakita si Engineer Zyrie noong lumabas ang resulta ng UNATEX. Pero ewan ko ba," aniya at sumandal ito sa sofa at tumingin sa kisame na tila sobrang lalim ng iniisip, "Iba ang pakiramdam ko. Parang hindi lang dahil doon ang pagpapakita niya."

"Anong ibig mong sabihin Louise?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Noong pauwi tayo galing sa bar kasama ang mga kaibigan mo sa Karringstyn University at nauna kayong lumabas ni Naya, I heard Lester Vega and Nazaire talking. Magkaibigan ba sila?" tanong niya at sandali akong nilingon bago ibinalik ang mga tingin sa kisame.

Binalot ng pagtataka ang buong sistema ko.

"I... I don't think so. The first time that they saw each other when Lester fetch me here, he introduced himself to Nazaire," sagot ko ngunit unti-unti na ring namumuo ang pagdadalawang isip.

I saw them talking outside the Karringstyn University just a day after it. Hindi pwedeng basta na lamang nilang kinausap ang isa't isa tungkol sa mga eskwelahan nila.

"Talaga? Para kasing matagal na silang magkakilala eh. They were talking about the rank and how it kept and keeps the walls strong. Hindi ko rin masyadong naintindihan," tugon ni Louise.

Heartfilia's PremisesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang