Chapter 27

59 4 0
                                    

Nanlalamig ang katawan ko nang tahakin ang daan palapit sa mga monitor.

"Aleighna you need to hurry if you do no want to get captured by them," natatarantang saad niya habang nililigpit ang ilang mahahalagang gamit niya.

Sa halip na ituon ko ang atensyon sa monitor kung saan kitang-kita sina Nazaire, Weiss, Axel at Justine ay mas naagaw ito sa monitor kung saan pinapakita ang basement nitong condominium. 

The same fear started to cloud my entire system.

"Sheiana," tawag ko at itinuro ang monitor na kanina ko pa tinitingnan.

"W-what? Who are... they?" aniya na hindi rin makapaniwala sa nakikita.

There were men who were coming out from the black limousine. Hindi ako maaaring magkamali. Sa itsura pa lang ng mga limousine at sa suot pa lang ng mga taong nanggaling doon ay alam ko na na sila ang humarang sa amin noong ambush at sila rin ang humahabol sa amin kanina.

"Hello Daddy? I need your men. Some mobster are after us... No dad, this is not your agents!... Yes nasa condo kami."

Hinila ako ni Iana ngunit hindi ako natinag sa kinatatayuan ko kaya napatigil din siya.

"Aleighna tara na!" tila nagising ako dahil sa taas ng boses ni Iana kaya nagpatianod na rin ako sa panghihila niya.

She was still holding her phone while we were running through the hallway. Her phone had an access to the footage here. Habang tumatakbo kami ay panay ang sulyap niya rito.

Akmang pipindutin ko na ang elevator nang bigla niya akong hilahin.

"Nazaire has the left side Leigh and the the other men have the left hindi tayo pwede diyan. Tara sa fire exit!" saad niya at hinila ako papunta roon.

Mabilis ang pagbabang ginawa namin ni Iana at sa bawat hakbang ko ay siya namang kalabog ng aking puso. Hindi ko alam ngunit may kung ano sa akin na humihila pabalik.

"May pulang mitsubishi shogun sa parking lot ng 11th floor. We need to get there bago nila tayo maabutan," mabilis na saad niya habang humahakbang kami sa mga hagdan.

Ramdam ko na ang pawis sa aking katawan dahil sa kabang nararamdaman ko. Nasa 15th floor pa lang kami kaya kung hindi kami magmamadali ay malaki ang posibilidad na maabutan nila kami.

"Bumalik sila Weiss. Sinusundan nila tayo, Leigh," aniya kaya mas lalo pa naming binilisan. 

"Sheiana baba!" maalakas na saad ko nang makita sa glass door ang isang lalaki na kasama noong humahabol sa amin. 

Pareho kami ni Iana na naghahabol ng hininga habang nakaupo sa may hagdan upang hindi kami makita. Nang tingnan ko ang kaibigan ko ay agad kong naramdaman ang kabang nananalaytay sa kaniya.

I know now is not the right time but I blames myself for dragging her into this trouble. 

Nang wala na ang lalaki ay agad kong sinenyasan si Iana at nagpatuloy kami. Ngayon ay mas lalo pa naming binibilisan.

"Hello Weiss ano shit! Hindi ako makakasama mamaya... No, no. I have errands," ani Iana sa cellphone.

I do not think he can fool Weiss at this time. Sa tono pa lang ng kanyang pananalita at paghihingalo ay alam nang may hindi magandang nangyayari. Sandaling lumingon sa akin si Iana na tila nangungusap ang mga mata at umiling ito kasabay ng malalim na paghinga.

"I am sorry Leigh. I need to tell him. Yes, I'm with Aleighna. Papunta kami sa parking lot ng 11th floor," hinihingal na saad niya bago ibaba ang cellphone.

Pareho kaming napayuko ni Iana nang makarinig ng putok ng baril. 

"It must be your dad's agents," saad ko sa kanya at kaagad naman siyang tumango.

Heartfilia's PremisesWhere stories live. Discover now