Chapter 37

56 2 0
                                    

 "Forget about your consequence. Do not go back to the cafeteria." 

Kaagad siyang tumayo nang matapos sa ginagawa at walang ano-anong lumabas sa clinic kaya agad ko siyang sinundan.

"Is that it Nazaire?" namamaos na saad ko.

Napatigil siya paglalakad at muli na namang namalisbis ang aking luha. How many times do I have to see his back?

"You are stopping me from loving you and you will just help me with my wound? I hope you're not forgetting, Nazaire. A person that  loves is the same person that hopes. I won't stop this fucking game as what you have said because I am not playing," I sniffed and took a deep breathe, "I'll go back to the cafeteria."

Tinalikuran ko siya at naglakad na ako pabalik sa cafeteria. 

I love him and I love that he cares for me. Pero hindi iyong ganito na mag-aalala siya at pagkatapos ay wala na naman. 

Dumaan muna ako sa aking dorm upang mapalit ng damit. Kinuha ko ang ang kulay maroon kong pullover na may nakatatak an Karringstyn Beetles.

"Leigh? Okay ka na ba?" kaagad na tanong ni Karmie sa akin nang makabalik ako at tinanguan ko na lamang siya.

Nang sumapit ang alas singko ay bilang na lamana ang mga estudyanteng nasa cafeteria kaya nakapagpahinga na rin kami ni Karmie.

"Nakakapagod din pala, 'no?" ani ko sa kanya at umupo kami sa dulong bahagi ng cafeteria.

"Sanayan na lang," tugon ni Karmie at nagkwentuhan na lamang kami roon.

Nang mag-alas sais ay tinawag kami ni Ate Esyl dahil wala nang estudyante sa loob ng cafeteria.

"Aleighna, gusto kong ipakita sa iyo ang pagluluto namin dito sa cafeteria," ani Ate Esyl habang nakasunod kami ni Karmie sa kanya sa loob ng malawak na kitchen, "Araw-araw ay may sinunod kaming menu. Iba-iba 'yan. Pero minsan ay nauulit din lalo na kung mabenta ito sa inyong mga estudyante. Ayan si Amira at Rouie sila ang cook namin dito," saad ni Ate Esyl at itinuro ang dalawa na sandaling lumingon sa amin at ngumiti.

"Silang tatlo naman ang dishwasher namin. Ito si Lamiel, si Tarria at si Keilton," pagpapakilala niya sa tatlo.

Ganoon lang ang ginawa namin ni Karmie roon sa loob. Hinayaan din kami ni Ate Esyl na manood habang nagluluto ang mga cook niya. Namayani ang amoy ng mga niluluto nila sa kusina at tila natakam ako.

"Karmie, Aleighna, hali kayo," tawag sa amin ni Ate Amira, "Kayong tatlo na rin. Tikman niyo ito. Ngayon ko lang ginawa ito eh."

Naglagay si Ate Amira ng pagkain sa mangkok at amoy pa lang ay nakakatakam na.

"Naku Amira. Baka masaway ka ni Ma'am Drein, ha? Hindi ka na naman sumunod sa menu," rinig kong saad ni Kuya Rouie habang bahagyang tinatawanan si Ate Amira.

Totoo nga ang sinabi ni Ate Esyl kanina, puro ate at kuya lang ang tawagan nila rito maliban sa kanilang manager.

Hindi siya pinansin ni Ate Amira at sa halip ay tinanon lang kami nito kung kamusta ang luto niya. Sabay-sabay kaming nagsabi ng masarap at sumilay ang malapad niyang ngiti.

"To taste is to believe, Rouie," pagkikibit-balikat niya kay Kuya Rouie at nagtawanan na lamang kami.

Mahigit isang oras din bago sila natapos sa pagluluto. Tumulong na kami ni Karmie sa paglalagay ng mga ulam sa counter. Marami-rami na rin ang mga estudyanteng nasa cafeteria nang lumabas kami.

Nanatili lang kami ni Karmie sa loob nang matapos naming ilabas ang lahat ng ulam. Kumain na rin sila roon ngunit tumanggi ako dahil hindi pa naman ako nagugutom kaya't nakisali na lamang ako sa kwentuhan nila.

Heartfilia's PremisesWhere stories live. Discover now