Chapter 15

71 5 0
                                    

"Aleighna, if you are on our places, maiintindihan mo kami," ani Chastity at kitang-kita ko sa mga mata niya ang halos pagmamakaawa, "I have been here for quiet some time. I have seen a lot, Aleighna. I have met a lot of people along the way and that's what making me want to save them more."

Tila wala na akong mainitindihan sa mga sinasabi ni Chastity. Halos-pigil hininga ko siyang tinitingnan. 

"If only I could run again as the vice president, Aleighna, I would surely do. But I can't. Hindi nila hahayaan iyon. Mawawalan ako ng kapit sa academy. Magiging isang normal na estudyante na lamang ako. Itong blue badge na to?" she said out of frustration and pointed her chest, "After my term, magiging itim na to. Ngayong nasa posisyon kami wala kaming nagawa, Leigh. What more kung mapapalitan ng black badge 'to? We'll lose it."

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang dapat na sabihin sa kanila! Damn it! Wala na akong makapa na kahit na anong salita! Hindi ba ito ang hinihintay ko? Ang unti-unting malamang kung ano ang nangyayari rito sa Heartfilia Academy? Pero bakit ngayong nasa harapan ko na ang katotohanan ay tila gusto ko na itong ipagtabuyan? Na para bang hindi ko kailanman hinangad ito? Just damn it. 

Kuminang ang lumandas na butil ng tubig sa pisngi ni Chastity at kaagad niya naman itong pinunasan. 

"Ga-graduate na rin naman kayo, hindi ba? Iiwan niyo na rin naman to in two years," halos gusto kong kainin ang aking dila dahil sa sinabi ko. Hindi ko alam kung saan iyon nanggaling.

"You are right, Leigh. We should be happy for that. But I, myself, cannot. Not even a little, Aleighna. Not even a little," sagot ni Joseph at pinahiga nito ang sarili sa upuan. 

"They are holing us Leigh that even if we leave and go far from here we still cannot loosen," dagdag niya pa na tila lalong nagpagulo sa akin.

"We need saving, Aleighna. At wala na kaming nakikitang pag-asa. But you came, Leigh," pahayag ni Chastity habang namumula ang mga mata.

Bahagya nitong kinurot ang aking puso. She was holding back from crying.

"Aleighna," pagbagsag ni Joseph sa katahimikang bumabalot sa loob ng silid, "If my theory is right, among all of us here, it is Nazaire who needs to be saved, a lot. Because they are using and holding him too tight on the neck."

Mas lalong umurong ang dila ko dahil sa sinabi ni Joseph at tila bumalik ako sa detention office.

Sa unang beses na nakita ko sa Kylan. At narinig ko mismo kung bakit hindi niya magawang patayin si Nazaire dahil masyado itong mahalaga sa mga Heartfilia. At kanina... nang sabihin niya kung gaanong dapat na maging alerto si Nazaire sa lahat ng oras.

"Aleighna, please do not tell Louise anything about this," paalala ni Joseph sa akin nang wala na ni isa sa amin ang nagsalita at nagpaalam na rin ako sa kanila. 

Bago pa man ako tuluyang makalabas ay narinig ko pa ang mga sinabi ni Chastity. 

"Please give yourself a time to think about this, Aleighna. We will help you out. Promise. Just... please, Leigh. Please..."

Hindi ko na siya nilingon at kaagad nang lumabas doon. Agad akong napakapit sa railings ng hagdan ng nang makalabas mula roon. Pakiramdam ko ay wala nang mapagsidlan ang kirot na nasa puso ko. Unti-unti kong naramdaman ang namamalisbis na init ng tubig sa aking pisngi.

Kaagad akong napaayos sa pagtayo at tila binalot ng kaba ang buong katawan ko nang makarinig ng tunog ng metal at mga yabag malapit sa akin. 

"You cannot get away now, Bernards," kaagad na naramdaman ko ang pagtayo ng mga balahibo sa aking katawan, "You have no one know here to help you. Look at yourself, bleeding. Helpless."

Heartfilia's PremisesWhere stories live. Discover now