Chapter 36

51 3 0
                                    

"A-aleighna..." ani Naya habang nag-aalala akong tiningnan.

Oh great. Who can fool them?

"Louise mamaya na lang tayo mag-usap. Aayusin ko lang ang mga gamit ko," ani ko at hindi ko na siya hinintay pang makasagot.

"Jerk! She is not your business, huh? Let's see."

Bago ko isara ang pintuan ay narinig ko pa ang sinabi ni Naya. 

Kaagad kong pinalis ang mga takas kong luha. I can't anymore weaker. Kung ano man ang dahilan ni Nazaire para masabi ang lahat ng iyon ay kailangan kong intindihin. 

I don't want to give him up as much as I don't want him to push me away. 

Huminga ako ng malalim bago ko napagpasayahang ayusin ang mga damit na dinala ko ngunit nang buksan ko ang bag ko ay nagulat ako nang bumunga sa akin ang folder na inabot ni Iana sa akin kagabi.

Kunot ang noo kong tiningnan iyon bago ko kunin ang kahon na nasa ilalim ng kama ko. Isinama ko roon ang folder bago ito ibinalik sa ilalim.

Those information are nothing right now. It won't change a thing about my decision. 

I know that things between me and Nazaire will not be easy but I need to remain as the strong person that I was and I will not give him to this academy.

Ilang oras akong nagbabad sa bathtub bago ko napagdesisyunang umahon na dahil kailangan kong pumunta sa detention office. 

Nanginginig ang kamay kong kinatok ang pintuan bago ko pihitin ang door knob at tumambad si Nazaire at Axel na nakatayo sa platform at ang tatlo pang estudyante.

Kaagad na natigil sa pagsasalita si Axel nang makita ako. Malamig ang mga mata ni Nazaire nang tiningnan ako ngunit kaagad din itong umiwas. Pakiramdam ko ay tinusok ng nagyeyelong espada ng puso ko dahil sa ipinapakita niyang pakikitungo sa akin.

He is acting now like we do not know each other. Na para bang ordinaryong estudyante lamang ako rito na hindi kailanman napalapit sa kanya.

I heard Axel faked his cough, "Have a seat, Aleighna," ani Axel.

Nakatungo ako habang tinatahak ang pinakadulong upuan. Patuloy lang na nagsasalita si Axel habang tagos sa magkabilang tainga ko ang mga sinasabi niya.

Nanatili ang tingin ko kay Nazaire habang nasa mga papel sa kanyang harapan ang buong atensyon niya. Muli kong naramdaman ang pagsikip ng aking dibdib at pangingilid ng aking mga luha.

We are inside one room but he is too far away. We are steps apart but I still cannot reach him.

Kaagad kong iniwas ang tingin ko nang inangat niya ang kanyang paningin at siya naman ngayon ang nagsasalita.

Even his voice is too different. It seemed that the ice defeated his fire. 

"Mr. Fabian, thirty six hours of community service. You will help the registrar. Same hours of community service will go to you, Miss Lawrel and Mr. Perelio. Miss Lawrel, you will help our cafeteria while you will be assigned in the accounting, Mr. Perelio. As for you Miss Lowrie," umangat ang tingin ko kay Nazaire.

How can he be this cold? Normal lang sa kanya ang lahat. Hindi siya apektado na parang wala lang talaga to sa kanya.

"Eighty four hours of community service," sandali siyang tumigil habang binabasa ang nasa papel at nakita kong kumunot ang noo niya bago ipinagpatuloy ang sinasabi, "...at the cafeteria."

Bahagya akong napapikit. It's fine. I know I am at fault.

"Your consequences depend on your violations. You will start after lunch. Meeting is done," ani Nazaire at isa-isa nang nagsialisan ang tatlong estudyante.

Heartfilia's PremisesWhere stories live. Discover now