Chapter 33

50 3 0
                                    

Unti-unti kong naramdaman ang hapdi sa aking palapulsuhan at mga paa nang magising ako.

Kaagad akong nakaramdam ng kaba nang mapagtanto ang kinalalagyan ko ngayon. Nakatali ako sa isang upuan habang nakatakip ang aking bibig.

"Mabuti naman at nagising ka na,"

Iginala ko ang mga mata ko sa malawak na silid nang marinig ang boses na iyon at unti-unting kumakawala sa dilim ang isang pamilyar na lalaki.

Mayroon pa siyang ibang kasama at naglakad sila palapit sa akin. Naisin ko mang sumigaw ay hindi ko rin magagawa dahil sa nakadikit sa aking dibdib.

Bumukas ang ilaw nang ilang hakbang na lamang ang layo nila sa akin at bahagya pa akong napapikit dahil sa liwanag nito.

"Long time no see," ani ng isa habang hinahaplos ang aking pisngi at pinipilit kong kumawala sa pagkakatali sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang nakatatak sa gilid ng jacket nang lalaking nasa harapan ko.

Wolves.

"Ugh!"

Napadaing ako dahil sa hapdi na idinulot ng tape sa aking bibig nang bigla itong tanggalin ng lalaking nada gilid ko.

Alright! Siya ang lalaki may hawak sa akin noon nang harangin nila kami nina Ross sa labas ng bar, at ang lalaking nasa harapan ko ay si Cleo.

"If you want to get even with Ross then you got the wrong girl. I am not his girlfriend," ani ko na nagpangisi kay Cleo.

Hindi ko intensyon na ipahamak si Louise pero klarong-klaro sa akin ang intensyon nila. They are up for a revenge.

"Alam ko," aroganteng saad ni Cleo at umupo ito upang maging magka-lebel kami.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

"Pero hindi lang naman si Avelino ang gusto naming gantihan. Dahil sa pakialamerong SCB ninyo, masyado kaming nadehado sa laro!" singhal niya at mahigpit na hinawakan ang aking baba upang maiharap ako sa kanya.

"Aaahhhh!!!"

Dahil sa pagpupumiglas ko ay malakas na sampal ang natamo ko. Napapikit ako dahil sa hapding kumakapit sa aking pisngi.

Marahas niyang hinawakan ang aking buhok at pakiramdam ko ay hihiwalay ang mga ito sa aking anit. Matatalim ang titig na ibinibigay niya.

"Alam niyo ba kung ano ginawa ng ipinagmamalaki niyong si Nazaire sa mga kaibigan ko?" Matalim na saad niya at ramdam ko ang kanyang galit.

Sunod-sunod ang pagtaas at pagbaba ng aking dibdib dahil sa labis na kaba.

"Halos lahat silang nahuli ay pinilay niya!"

Napapikit ako dahil sa lakas ng kanyang boses.

"H-hindi totoo i-iyan," nauutal-utal na saad ko.

Nazaire would not do that. Isinama ako ni Nazaire noong araw na pinalaya nila ang mga nahuling baseball players ng Western Amville.

May mga pasa sila dala nang pakikipaggantihan ng suntok noong iniligtas nila kami ngunit maayos silang lahat na nakakapaglakad.

"Hindi totoo? Sinira ng presidente ninyo ang pangarap naming makapaglaro sa International Baseball Competition. Sinira ninyo ang pangarap ng kaibigan ko." nanggagalaiting saad niya at parehong sakit at galit niya ang nararamdaman ko.

Marahas niya akong binitiwan at natanaw ko ang bumukas na pinto.

Napasinghap ako habang lumalapit ang isang lalaking naka-wheelchair.

Heartfilia's PremisesWhere stories live. Discover now