Chapter 38

50 1 0
                                    

"Aleighna, kung masama ang pakiramdam mo sabi ni Ate Esyl pwedeng sa Lunes ka na lang ulit magtrabaho," saad ni Karmie habang nag-aayos kami sa dressing room.

"I am sorry Leigh... but I need to let you go."  

Mariin akong napapikit nang umalingawngaw muli sa aking isipan ang sinabi ni Nazaire kagabe. 

He just walked away afterwards without even looking back, without even stopping, and without even telling me why.

Pero ramdam ko ang bigat sa bawat salitang binibitiwan niya...

Itinigil ko ang pag-aayos at nilingon si Karmie kasabay nang pagtanggal ko sa suot kong apron.

"Please tell Ate Esyl that I'll make it up on Monday," kaagad na saad ko at hindi ko na siya hinintay pang makasagot.

Kaagad kong isinukbit ang bag ko habang mabilis na tinatahak ang daan palabas ng cafeteria. Kinuha ko rin ang cellphone ko at kaagad na nagtipa ng mensahe para kay Joseph.

"What is it, Leigh?" bungad niya sa akin.

Narito kami ngayon sa grocery store ng Heartfilia Academy dahil ito ang pinakakaunting tao sa ngayon.

"I need you to help me, Seph," tugon ko sa kanya at seryoso niya akong tiningnan.

After what Nazaire had told me last night, I know that something really really dangerous is happening here. He may have said those words straightly but I could feel that was holding back. Kung walang mahahanap na impormasyon si Iana sa pagre-research at kung hindi sasabihin sa akin ni Nazaire ang totoong nangyayari rito, ako na mismo ang kikilos.

"I need to know more, Joseph. Alam kong alam mong hindi pa tapos ang gulo rito at hindi ito matatapos kahit mapalitan pa kayo sa pagiging SCB."

Naging seryoso ang tingin niya sa akin at luminga-linga pa sa paligid bago nagsalita.

"Noong unang kinausap ka namin ni Chastity, may hindi kami sinabi sa iyo dahil kung delikado kung malalaman mo," panimula niya at itinuon ko ang buo kong atensyon sa kanya, "The Atrium Extension is in a total shut down. No one's allowed to enter because that is the Heartfilia's most sacred place but I have been there once-"

"What?" singit ko sa kanya nang hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"Yes Leigh. Sa tingin ko ay aware ka sa nagpakamatay na estudyante last year, si Hali Monterio," tumango ako sa sinabi at bawat salitang binibitawan niya ay siyang pagkalabog ng puso ko, "Nakasama kami ni Chastity sa loob ng atrium extension noong iniimbestagahan ang pagkamatay ni Hali. Pero ilang minuto lang ay pinalabas din kami."

Nanatili ang atensyon ko kay Joseph habang hinihintay ang mga susunod niyang sasabihin.

"I took that opportunity to roam my eyes around the extension. Pero masyado iyong malawak. Isang bagay ang napansin namin ni Chas, maraming secret passage sa atrium extension," aniya.

Muli kong naalala nang aksidenteng makapasok ako roon. Sa ibang daanan kami dumaan ni Axel at inalisan niya pa ako ng malay dahil hindi ko raw iyon pwedeng malaman. Hindi ko pwedeng tingnan ang mga daan sa loob.

"Then I heard them talking about an island. Hindi ako sigurado kung saan iyon. Pero ang sinabi nila ay isla sa likod. Sa tingin ko, nasa likod iyon ng malawak na atrium extension."

Pinagsiklop ko ang mga kamay ko at ipinikit ko ang mga mata ko. Kagubatan ang nakita ko sa pagpikit ko at sumalubong sa akin ang mga punong kahoy na nadadaan namin ni Nazaire papunta sa sikretong lugar nila.

Nakasakay ako sa motor ni Warnell at dagat ang nakita ko sa malayo.

Kaagad akong napamulat at ang nagtatakang tingin ni Joseph ang sumalubong sa akin.

Heartfilia's PremisesUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum