Chapter 20

73 6 0
                                    

Nazaire told me to stay inside the room as he cleaned his self in the bathroom. 

May kumatok kanina at sinabing pinapatawag daw sila ni Retard Lieutenant Sebastian. Tila may kung ano sa akin na gustong sumama sa pagpupulong na iyon. Yet I knew it was not a line for me to cross. 

Naputol ako sa pag-iisip nang biglang tumunog ang aking cellphone at kaagad ko itong sinagot nang makita ang pangalan ni Iana sa screen.

"Sa wakas, Aleighna! Ano na? What happened? Everyone is freaking out here!" bungad niya sa akin at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.

"Hey, speak up!" ulit niya nang balutin kami ng katahimikan at sakto namang paglabas ni Nazaire. Kaagad akong umiwas ng tingin.

"I... I just needed to go back. May emergency meeting sa academy," pangangatwiran ko ngunit tanga na lang ang maniniwala roon.

"Really, Aleighna? Emergency meeting para sabihing nasa panganib ang buhay mo?"

And Iana is not one of them. Bumuntong-hininga ako. I cannot tell her.

"I need to go, Iana," saad ko at kaagad itong binaba. 

Sandaling binalot ng katahimikan ang buong kwarto.

"I hope this time you'll follow. Do not set a foot outside this room," saad ni Nazaire at hindi ko pa rin ito magawang lingunin kaya tumango na lamang ako.

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan at kaagad akong nakahinga ng maluwang. 

Kaagad kong itinilapon ang aking sarili sa pinakamalapit na higaan at ipinikit ko ang aking mga mata. Kalahati pa lamang ng araw ngunit pagod na pagod na ang buong sistema ko. 

Hindi ko na namalayan na nakaidlip na pala ako ng ilang minuto at nagising na lamang ako dahil sa katok na nanggagaling sa labas. Kaagad akong bumangon at sakto namang nagbukas ito.

"May I come in?" saad ni Warnell at tumango naman ako.

Napansin ko ang dala-dala niyang tray ng pagkain at nahalata niya at ang pagtingin ko rito.

"Hindi ka pa yata kumakain," aniya at inilapag ito sa higaan. Tumayo lamang siya sa dulo nito.

"Sorry about what happened, Aleighna," dagdag niya at kaagad akong napailing.

"I should be thanking you and I should be the one saying sorry," napayuko ako at hindi makatingin sa kanya, "Sorry sa ginawa ni Nazaire sa'yo."

Narinig ko ang mahihinang tawa ni Warnell kaya napatingin ako sa kanya.

"He'll thank me someday for that, Leigh. Trust me. I just needed to prove something," aniya at pagtuloy pa rin ito sa pagtawa.

"What is it?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

Nagkibit-balikat lamang ito, "Proven Leigh. Kumain ka na. Aalis na ako bago niya pa ako maabutan dito," aniya at nagmartsa na palabas ng kwarto ngunit bago niya pa maisara ang pinto ay tinawag ko siya.

"Warnell," ani ko, "P-pwede ba akong magtanong sa nangyari kanina?"

Nakita ko ang paghugot niya ng hininga at ang mga nag-aalinlangan niyang mga mata. Ngunit ilang segundo lang ay muli itong naglakad papasok at umupo sa katabing higaan.

"Look, Leigh, I am not sure if telling you this is right. But they just involved so might as well let you know," panimula niya at kaagad napakunot ang aking noo.

"They? Who are they?" naguguluhang tanong ko ngunit umiling lamang ito at muling nagpatuloy.

"I will tell you this for you to be aware. What happened earlier was an ambush."

Heartfilia's PremisesWhere stories live. Discover now