Chapter 21

57 5 0
                                    

Hindi na ako nagtagal pa sa pakikipag-usap kay Justine at ipinaalam ko na ang aking sarili para makabalik sa dorm.

Habang naglalakad ay ramdam na ramdam ko ang nag-aalsang kaguluhan sa aking sistema. Why am I even feeling this?

Nang makapasok ako sa glass door ay kaagad kong nakita ang nakaawang na pinto ni Nazaire. Hindi ko na dapat ito bibigyan ng pansin ngunit narinig ko ang bahagyang sigawan sa loob.

"Come on, Kuya. Do you think you can persuade her with that? Damn! Grow up kuya! Stop running to alcohols. Daddy will surely get mad! Swear," boses iyon ni Naya.

I suddenly felt my pulse rate raising. Instead of inserting my cardkey on my door, I headed to the opposite direction to secretly listen to their conversation.

"Get out, Zel," rinig kong kalmadong saad ni Nazaire.

Napailing na lamang ako dahil dito. Nazaire is indeed an ocean. He got a lot of mysteries. Minsan kalmado siya ngunit madalas na delikado ang pagiging kalmado niya.

"Get out, huh? Fine. I'll be going to the mall with Ate Andreia. You are stressing me too much!" Singhal ni Naya at tila may kaunting kirot sa aking dibdib.

Damn, Aleighna! She just called Louise Andreia. There was no big deal with that. Yet something screamed at the back of my brain. Naya called her ate.

Marahas akong napapikit. Am I jealous?

"No. You stay here," utos ni Nazaire sa kanya.

It was too late for me to walk away after seeing Louise walking towards me wearing her grin.

"Kanina pa nagtatalo 'yang magkapatid," aniya at tumayo ito sa aking harapan habang nakapamulsa.

"Poor cousin of mine," dugtong niya pa at tila awtomatikong nanlaki ang mga mata ko.

"C-cousin?" hindi makapaniwalang tanong ko at tinaasan niya ako ng kilay.

Bago sumagot si Louise ay hinila niya muna ako sa aking dorm at inilahad ang kamay sa pintuan kaya binuksan ko naman ito.

"Leigh bakit mo naman tinanggihan kaagad 'yong tao?" Nakahalukipkip na tanong niya ngunit tila hindi ko ito masundan.

Damn. Nararamdaman ko ang init ng aking mukha. Ipinapanalangin ko na lang na sana ay hindi pa ako namumula.

"P-pinsan mo si Nazaire?" tanong ko rito na hindi makapaniwala.

"Yes and please that is our secret. Only Nazaire and his friends know about this. Sorry hindi ko kaagad sinabi sa'yo. Kagaya lang ni Nyazel, Leigh hindi dapat malaman ng iba na blood-related kami. Magiging pabigat lang ako sa kanya pag nagkataon," paliwanag niya sa akin at muli na namang sumilay ang lungkot sa kanyang mukha.

Now, this answers my question! Kung bakit lagi siyang nag-aalala kay Nazaire. Kung bakit nakikita ko ang sakit sa mga mata niya tuwing sinasabihan ko ng masama si Nazaire. Oh God.

Halos masapo ko ang aking noo dahil dito.

"Oh my God, Aleighna! Huwag mong sabihan na-"

"Ugh! Tahimik si Louise!" Putol ko sa kanya at naglakad na ako papuntang kitchen. Rinig na rinig ko ang mga tawa niya at palakas na ito ng palakas kasabay nglalo pang pag-init ng mukha ko.

Nakarating na si Louise sa kusina at matagal pa bago natigil ang kanyang pagtawa. Saka lang ako umalis sa pagkakatungo nang maramdaman ko ang katahimikan sa paligid. Tiningnan ko si Louise at sumalubong sa akin ang seryoso niyang mukha.

"Pwede ba akong magsabi sa'yo Leigh?" Aniya at hindi ko masyadong naintindihan ngunit tumango lamang ako.

"Nasa ibang bansa na ang pamilya namin. At bago sila umalis sinabi kong magpapaiwan ako. Mahaba-habang pilitan 'yon. Until Nazaire came into the scene. Sinabi niya kay mommy na siya raw ang magbabantay sa akin habang nandito ako. I owe him a lot for that. And this is his condition. Hindi pwedeng malaman ng ibang estudyante rito na magpinsan kami. Doon na namuo ang pagtataka ko. I mean, why? Diba?"

Heartfilia's PremisesWhere stories live. Discover now