Chapter 48

50 1 0
                                    

Lumingon ako kay Nazaire nang bumangon siya kaya kaagad ko siyang nilapitan.

"You're not leaving, Aire. Hindi ka pa okay," giit ko sa kanya at kaagad ko siyang pinigilan sa pagtatanggal niya ng dextrose.

"I have already let them down multiple times, Leigh. It's time to get back," aniya at tuluyan nang kinalas ang dextrose.

"No! Give yourself a rest. Damn it!" 

Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng aking boses dahil sa pagpupumilit niya ngunit nang kalaunan ay napigil ko rin siya.

Maging ako ay gusto ring silipin ang nangyari sa labas ngunit hindi ako pwedeng umalis dito. I could not leave Nazaire and I could not let him yet. His body was still weak.

Kinabukasan ay hinintay naming sila upang makakalap ng impormasyon sa nangyari kagabi ngunit si Axel lang ang tanging dumating. Lumapit siya kay Nazaire at inabot ang isang folder.

"You were right. Jax planted a bomb in our house. Unfortunately, may tatlong tauhan tayong nagalusan," bungad niya at alam ko sa puntong ito ay hindi na lang bastang mga kaibigan ang kaharap ko kundi mga myembro ng mafia.

"Did you save any of the monitors or files?" tanong ni Nazaire.

"We lost them all. Now, our problem is all the other possible bombs. We need to be hands on to this,"seryosing tugong ni Axel.

Ginugol namin ang dalawang araw na lumipas sa pag-iimbestiga ng iba pang posibleng bomba na itinanim ni Jax. Maging kami ni Iana ay tumulong na rin.

"Here's the blueprint of the premises," bungad ni Warnell at saka inilapag sa lamesa ang blueprint ng Heartfilia Academy at ng properties ng mga Heartfilia sa vicinity.

"Warnell, I'll leave this to you," saad ni Nazaire at kaagad namang tumango si Warnell.

Lahat kami ay binigyan ngi Nazaire ng mga trabaho. Si Warnell ang nag-aaral sa blueprint kung saan maaaring may nakatanim na bomba at sina Weiss at Iana naman ang sa monitor para sundan din ang trabahong ginagawa ng mafia sa loob habang tumutulong din sa amin sa paghahanap ng bomba.

Samantalang kaming apat ay nakapagdesisyong babalik sa loob ng academy upang doon gawin ang trabaho at para na rin mabantayan ang mga estudyante. 

Nazaire was right. We could not risk any second here. Jax became part of the academy but he was also able to set their house on fire at kung naroon silang lima ay paniguradong napahamak na sila, and worse, they died.

I knew that this mission is not easy for them since it involved a person that they treated as a brother but Jax have already blinded by anger. Kahit sila mismo ay inilagay niya na sa kapahamakan.

Sa halip na sumakay kami ng sasakyan upang makarating sa academy ay nagulat na lamang ako nang hilahin ako ni Nazaire papunta sa likod ng mansyon. Akmang magtatanong na sana ako  kung ano gagawin namin doon nang biglang buksan ni Justine ang isang sikretong lagusan.

"Leigh, let's go," ani Nazaire nang hindi ako gumalawa sa kinatatayuan ko.

I was stunned when we got out from the passage. Ang malawak na atrium extension ang bumungad sa akin. All this time, ito lang 'yon? Ang sikretong lugar nila ay nasa likod lamang ng Heartfilia Academy? Wow! I mean, it never crossed my mind.

Hindi ko minsan naisip na ganito ito kalapit dahil palagi kaming sumasakay at lumalabas sa academy para lang sa makapunta sa lugar na yon.

Habang naglalakad kami ay palinga-linga ako sa paligid at ang tatlo naman ay ginagamit ang bomb detector. Sumunod ako kay Nazaire nang maghiwa-hiwalay silang tatlo.

Heartfilia's PremisesWhere stories live. Discover now