Chapter 45

49 2 0
                                    

Nang makarating kami sa mansyon ng mga Cereza ay nakahilera na kaagad ang mga guards na para bang inaasahan talaga ang pagdating ko.

Naagaw ng dalawang kotse sa gilid ng malaking fountain ang atensyon ko. It must be Tito Lambierto's visitors.

Nang makababa ako sa sinasakyan ay kaagad akong sinalubong ng isa sa mga kasambahay nina Iana.

"Ma'am Aleighna, nasa hall po sila," aniya.

Bigla na lamang kumunot ang aking noo. What is Iana doing in the hall? At sinong sila? It is probably something important.

Kapag may mahalagang pinag-uusapan ang pamilya o kaya ay si Tito Lambierto at ang ilang mga pumupunta rito ay doon lagi sila. Para bang ang hall na ang naging conference room nitong bahay.

Dalawang beses pa lang akong nakakapunta roon kaya hindi masyadong pamilyar sa akin ang lugar ngunit hindi ko pa rin naman gaanong nakakalimutan ang mga detalye noon at ang iba't ibang silid na nasa loob.

Sa halip na magtanong sa kasambahay ay tumango na lamang ako sa kanya. Nagpatiuna na siyang maglakad patungo sa ikaapat na palapag kung nasaan ang hall kaya tahimik na lamang akong sumunod.

Habang tinatahak namin ang daan papunta sa hall ay may kakaiba akong nararamdaman sa bahay nina Tito Lambierto. It was so different from before. Napansin kong mas dumami ang mga tauhan sa paligid kumpara dati.

Does it have something to do with the Heartfilia Academy? Dahil sa iba't ibang nangyayari roon? 

Oh, well, if it really is, tama lang na mag-doble ingat ang lahat na myembro ng West Imperium. Given that the traitor is probably just inside the circle who can freely go from one place to another.

Knowing Tito Lambierto, he would not put his family's safety at risk. Noong hindi ko pa nalalaman ang pagiging bahagi namin ng West Imperium ay hindi na lingid sa amin ni Iana kung gaano kadelikado ang business nila.

Tito Lambierto is operating an agency, a detective agency, at malaking tao ang madalas na nakakasalamuha nila.

Nakakabinging katahamikan ang sumalubong sa akin nang makarating kami sa ikaapat na palapag. Walang gaanong tao sa palapag. 

Kaagad na lumipad ang tingin ko sa nag-iisang pintuan sa hall.

"Nasa room 3 po sila," ani ng kasambahay nang binuksan niya ang pintuan.

Tumango na lamang ako at nagpasalamat.

Mahabang pasilyo ang kaagad kong natanaw. Pinasadahan ko ng aking daliri ang mga disenyong nakasabit sa sementadong dingding.

Its vintage appearance still did not change. 

"When did she start receiving this?"

Napatigil ako sa paglalakad sa mahabang pasilyo. Pakiramdam ko ay may kung anong dumaloy sa katawan ko nang marinig ang boses na iyon. Ang boses ni Nazaire.

Alam kong apat na buwan lamang akong nawala ngunit mas lumalim ang boses niya kumpara noon. Nakakalunod. 

Sumilip ako sa nakaawang na pintuan at ang tatlong tao na nakatalikod sa akin ang unang bumungad sa mga mata ko.

"I don't know. Wala siyang sinabi sa akin noong ipinakita niya ang mga ito," rinig kong saad ni Iana.

"Who can this Q be, Aire-"

Napatigil si Weiss sa pagtatanong nang lumingon siya kay Nazaire at tumagos ang mga mata niya sa akin.

"Aleighna," aniya.

Kaagad na lumingon si Iana sa akin at lumapit ito para yakapin ako.

"Leigh! Finally," aniya habang nakayakap at muli siyang nagsalita nang humiwalay, "I'm sorry, A. I can't fetch you kaya si Kuya Lacus na lang ang pinagsundo ko."

Heartfilia's PremisesWhere stories live. Discover now