Ito ang unang beses na nakita kong ganoon ang reaksyon ni Allen. Did something happen here while I'm away?

Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa sunod-sunod na katok sa aking pintuan. Agad akong bumangon habang kinukusot ang mga mata ko.

"Mabuti naman at nagising ka nang bata ka," bungad sa akin ni Yaya Celine. 

Nilingon ko ang wall clock sa loob ng silid ko at nakitang alas siete pa lamang.

"May... problema po ba? Ang aga pa yaya," ani ko sa boses na nagtataka.

"Kanina pa ako kumakatok dito. Oh siya, maligo ka na at magbihis. Pagkatapos mong mag-almusal ay dumiretso ka na sa opisina ni Letizia."

Kaagad na nanalaytay ang kaba sa aking sistema. The last time that my mother called me in her office, hindi maganda ang nangyari. 

That was when my lolo died three years ago.

What is it this time?

Sinunod ko ang sinabi ni Yaya Celine at matapos kong kumain nang mag-isa ay dumiretso na ako sa opisina ni Mommy sa ikatlong palapag ng bahay.

I know something is not right again this time. Nakahanay ang ilan naming kasambahay at body guards sa labas ng opisina niya. Natuon din ang atensyon ko sa ilang body guards na hindi ko na namumukhaan.

Tumango ako sa isa naming body guard nang binuksan niya ang pintuan. Dahan-dahan akong naglakad papasok at kaagad na bumungad sa akin si Mommy na nakaupo sa kanyang swivel chair at sa harapan niya ay ang dalawang lalaki na nakatalikod sa akin.

"Good thing that you are here, Aleighna," saad ni Mommy.

Saka ko lang nalaman na isa sa dalawang lalaki na nasa harapan ni Mommy ay si Allen. Lumingon ako sa gawing kanan at may ilang body guards na nakatayo roon. Two are my mom's and the other one... he is not familiar.

Bumalik ang tingin ko kila mommy nang tumikhim ang isang lalaki at kaagad ko siyang namukhaan. Siya iyong pamilyar na lalaki sa silid nang ipinitawag ako ni Retired Lieutenant Sebastian. Nazaire's father.

What is he doing here?

Bago pa man ako makapagtanong ay iginiya na ako ng isang body guard papunta sa upuan, ilang hakbang lamang ang layo mula kay Allen.

Bumuntong-hininga ang aking ina bago nagsalita.

"Let's start this Niccolai," saad niya na para bang hindi sigurado sa ginagawa o gagawin niya.

Hindi ko magawang maging komportable sa kinauupuan ko. Kakaibang tensyon ang nararamdaman ko sa buong silid.

Nang sulyapan ko si Allen ay diretso lang ang mga tingin nito sa aming harapan.

Tumikhim muli ang lalaking tinawag ni Mommy na Niccolai.

"As what I was saying, Letizia, the highest, Sebastian Heartfilia is asking for your daughter..."

Napalingon ako sa matandang Bernards nang sabihin niya ang mga katagang iyon. Bumaling ang tingin ko kay mommy nang gumalaw siya sa kinauupuan ngunit taas noo lang ito habang sinasalubong ang mga tingin ni Mr. Bernards.

"My son is no longer doing his responsibility and I found out that your daughter leaving the country has something to do with his behavior," Mr. Bernards continued.

Tumikhim lamang si Allen bago ako lingunin na para bang may gustong sabihin.

Kumunot ang aking noo. Dahil sa sinabi ni Mr. Bernards ay nabuhay ang pag-aalala ko para kay Nazaire.

"Letizia, Allen, Aleighna," ani Mr. Bernards at tiningnan kami ni Allen bago muling ibinalik ang atensyon kay Mommy, "I am not asking this for the West Imperium. I am asking this as a father for my eldest, Nazaire. His guards are down right now and he is vulnerable."

Heartfilia's PremisesWhere stories live. Discover now