Tipid kong nginitian si Axel.

"He's not here. We need to go. Hope to see you again," saad ko at nagsimula nang maglakad palayo sa kanila.

Agad na sumunod si Allen sa akin. Bahagya pa siyang tumigil ngunit nagtuloy-tuloy lamang ako. I did not want to stop nor to turn my back. Baka biglang magbago ang desisyon ko. I can't.

I know my decision was kind of selfish but there's nothing more left to stay. I knew that Iana would understand me.

It is just too hard to stay in a place where the one you love keeps pushing you away.

Hindi rin ako pinilit ni Mommy na sumama pabalik sa kanila. She just told me. At sa tingin ko ay mahalagang sumama ako sa kanila sa ngayon.

I know that she needs me and besides, marami pa akong tanong na gusto kong mabigyan niya ng kasagutan. My queries will not end here, dahil ang totoo, mas lalo lang itong lumawak. Mas dumami lang ang tanong sa aking isipan.

"Ate have you seen my uniform? I'm running late!" bungad ng kapatid ko sa akin nang buksan ko ang pintuan ng kwarto ko.

"Check your cabinet or ask Yaya Celine. You still have not changed, Allen," sagot ko sa kanya.

Kaagad siyang nagmartsa palayo. Same old Allen. Mainipin pa rin at halos wala pa ring pasensya.

Magdadalawang linggo na ako rito sa Australia at hindi ko pa rin nakakausap ng maayos si Mommy.

She just usually locked herself inside her room or office. Minsan naman ay wala siya.

I knew that she was trying to avoid me. Na para bang may iniiwasan siyang malaman ko. Hindi ko rin siya masyadong pinipilit dahil nararamdaman kong hindi pa siya handang magsabi.

I know my mom. I may have lived away from them for three years but I know her. If there is something that she needs to tell me, she will do. Kaya sa tingin ko ay kailangan ko lang siya bigyan ng oras.

But every sunset makes me more and more scared. Ang ideyang maaaring nasa kapahamakan si Nazaire ay hindi ako lagi pinapatulog ng maayos.

He is always freaking me out. I know that the mafia got his back but that is also my problem. Hindi ko kilala ang mafia. And my mom still keeps her mouth shut. 

I went back here not because I wanted to stay here. My main reason is to ask my mother, about everything but I guess I need to wait for her to speak up.

Ayaw ko rin siyang pilitin masyado dahil kung tungkol sa pagkamatay ni daddy ang itatanong ko, alam kong sasaktan ko lang siya. Given her reaction to Retired Lieutenant Sebastian? I know that it is still painful for her.

And just like me, there is still a part of her who wants dad back. 

"Ate, tell mom that I'll use the car," saad ni Allen nang magkasalubong kami sa sala at malalaki ang hakbang nito na tinahak ang daan palabas.

"I will. Don't be a reckless driver, Allen," bilin ko sa kanya at itinaas lang nito ang mga kamay.

"Yaya, si Mommy?" tanong ko, she is also a Filipino.

"Maagang umalis, Aleighna. Hindi ko na naitanong kung saan pupunta," saad ni Yaya Celine.

Napabuntong-hininga na lamang ako. What more am I expecting?

Sinundan ko si Yaya Celine hanggang sa kusina. Matagal na siyang nagtatrabaho sa amin at sa lahat ng mga kasambahay namin dito ay siya ang pinakamalapit kay Mommy.

"Ya, can I ask something?" ani ko sa nag-aalangan na boses.

May katandaan na si Yaya Celine at kitang-kita ito sa ilang mga puting buhok niya.

Heartfilia's PremisesWhere stories live. Discover now