Chapter 14 : Last mission

4.7K 110 27
                                    

Chapter 14:

"Ano bang meron sa kanila? Palagi silang magkasama."

"Kyah! Ang gwapo ni Gab!"

"Nagliligawan na naman ba sila?"

"Yearly issue na namana yan, hindi pa ba kayo nagsawa?"





Kanina pa ako lingon ng lingon dahil sa bulungan nila. Sige, isama niyo na rin yung factor na sunod ng sunod ang isang gwapong nilalang sa likod ko at dala dala niya yung bag ko at the same time. Kinukulit niya kasi ako simula pagkagising ko, magiging body guard ko daw siya dahil ang lapitin ko daw ng disgrasya ngayon.

Tumalikod ako bigla at nakita ko yugng mga babaeng nagpipigil ng tawa dahil sa kinikilos ni Gab ngayon. Palagi siyang nakangiti at isa yan sa pogi points niya. Nilapitan ko siya at tsaka hinila sa isang gilid na wala gaanong tao pero syempre ay pinagtitinginan pa rin nila kami.



"Ano bang ketek ang meron ka ha? Akin na kasi yang bag ko." Sabi ko sa kanya gamit ang pinakamahinang boses na kaya ko at sa tingin ko ay rinig naman niya yun.

"Natalo ka sa bato bato piks kanina. Do I need to explain more?" Mukhang ngiti sa paningin ng iba yung ginawa niya pero isang mapangasar na ngiti yun para sakin.

"Pinapili kita, should I act as your guy or a body guard. Advantage mo na nga yun kahit talo ka." Dugtong pa niya. Ay sht! Advantage ko pa? Kung ganyan naman kahangin ang boyfriend ko hindi baling wag na lang!

"Fine. Here's your bag. Stop pouting like a kid." Inoffer na niya yung bag ko sakin pero hindi siya nakatingin sakin. Namumula yung pisngi niya mula sa kinatatayuan ko. Kinuha ko na yung bag ko at sinabit ko na yung handle sa balikat ko.

"See ya later, loser."

Parang biglang tumigil ang mundo ko, ramdam ko rin yung init ng buong mukha ko at sobrang bilis bigla ng tibok ng puso ko. Halikan daw ba yung tip ng ilong ko? Ang sunod ko na lang nakita ay paalis na siya at nagtitilian pa rin ang ilang babae dahil sa ginawa niya.



Bago pa siya makalayo ay kinuha ko yung trashcan na medyo may kaliitan at tsaka ko binato sa kanya. As usual, tinamaan na naman siya. Sa likod ko lang naman palagi siyang pinapatamaan. Tumalikod ako bigla at tsaka naglakad with confidence. Ako lang naman ang pwedeng mambully sa lalaking yun at hindi na big issue sa kanila kahit batuhin ko pa siya ng malaking trashcan.

Naisipan kong dumaan sa canteen para bumili ng inumin. Kakaiba ang mga estudyante ngayon dahil ang dami agad nila dito. Madalas tropa lang namin ang nauuna dito, well sa hindi ko naman sila pinagbabawalan. Weird lang. Ngayon ko lang nakita yung canteen na maraming tao sa gantong oras.

Bumili ako ng juice at tsaka pinuntahan yung table na madalas naming gamitin. Nilagay ko dun yung bag ko. Isasalpak ko na sana yung earphones ko sa tenga ko ng makarinig na naman ako na bulungan na nakakuha na naman ng atensyon ko.



"Nabalitaan mo na ba yung nangyari kagabi? May nawawala daw na student."

"Oo nga, diba sila Sunny at Ken yung nakita na nagdala nung lalaki sa hospital?"

"Nahospital nga yan nung nakaraan ngayon naghahanap na naman siya ng panibagong gulo."

"Protektado kasi siya. Tara na nga."



Protektado? Sino?



"Ano na naman ang iniisip ng maganda kong bestfriend ng gantong oras? Dinaig mo pa yung taong namomoreblema dun oh." Biglang tinuro ni Jillian ang isang "nerd" student na nagmamadaling nagsusulat at ang daming katabi na libro, puro makakapal pa.

Her Secret Identity [Sunny Cameron, bk. 1] CLOAKWhere stories live. Discover now