Chapter 9 : Meet

7.7K 170 11
                                    

"Sunny!"


Napalingon ako kaagad ng narinig ko ang boses na yun, kay Rain yun galing. Ningitian ko lang siya at tumigil sa paglalakad.

"Oh Rain? Anong nangyare? Bakit ang dami mong gasgas? Nakabenda pa pati kaliwa mong kamay."

Imbes na sagutin niya ang sunod sunod kong tanong ay napakamot lang siya sa batok niya.

"Tara na nga."

Ngumiti ako sa kanya at hinila ko siya paupo sa upuan. Kinuha ko yung first aid kit ko dahil napansin kong bumukas yung isang sugat niya sa bandang noo.


"Nagamot na yan kagabi. Wag mo ng--"

Pinunasan ko ng malinis na bulak yung nagbukas niyang sugat at tsaka pinakita sa kanya. Napabuntong hininga lang siya dahil dun.


"Ano bang ginawa mo kahapon? Basag ulo ka talaga kahit kelan." Sabi ko sa kanya.

Inangat ko yung ulo niya gamit ang kamay ko na nasa baba niya, nilinis ko ito at hinihipan para mabawasan kahit konti yung sakit. Tiningnan ko siya at nakatitig lang siya sakin. Hindi man lang niya naramdaman yung sakit? Alcohol ang ginamit ko dahil yun lang nadala ko. Napailing na lang ako at hinipan ulit ang paligid nung sugat niya na nilagyan ko ng alcohol.

"Rain, kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

Hinahanap ko sa bag ko yung malalaking band aid na kakabili ko lang nung nakaraan, naubos na pala kasi yung gauze ko dahil may nainjury nung nakaraan nung pauwi na ko. Pagkabalik ko ng tingin ko sa kanya ay nakatingin pa rin siya sakin, hindi siya sumasagot.

Hindi ko alam kung anong mali at bakit siya titig na titig sa mga mata ko pero hindi ko rin alam bakit ako napatitig sa kanya ng ganito. Pakiramdam ko may kuryenteng bumabalot sa mata't aura niya.

Nauna na akong umiwas ng tingin at tinanggal ang balot ng isang pirasong band aid, nilagay ko yun sa sugat niya at tsaka ko siya pinitik sa noo.


"Tulog ka pa ba?" Umiwas lang siya ng tingin at ngumiti ng binalik niya ang tingin niya sakin.

Tumingin ako sa gilid at nakita kong nakatayo si Gab, katabi niya si Chasey at parang kanina pa sila nakatayo doon.

"Gab! "




*Gab's POV*

"Good morning!"

Napalingon ako sa bumati sakin, akala si Sunny. Si Chasey lang pala.


"Walang good sa morning ko kung ikaw ang babati sakin.." Bulong ko.

"Hmm. Gab." Hindi ko siya pinansin. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad at sinabayan niya ako kahit ang lalaki ng hakbang ko. Binabagalan ko lang naman maglakad pag siya ang kasama ko.

"Hindi ko alam kung ano ba talagang nagawa ko sayo. Gusto ko lang naman makipagkibigan sayo..." Sabi niya.

Napatigil ako bigla sa paglalakad ko dahil bigla siyang pumunta sa harapan ko at tinitingnan ako na parang nagmamakaawa. Tiningnan ko lang siya saglit pagkatapos ay dinaanan ko lang siya. Akala ko nalayuan ko na siya pero sinundan niya pa rin ako at hindi ko na siya pinakielamanan pa.

Pumunta ako sa locker ko at nakasunod pa rin siya. Kinuha ko ang notebook ko sa Math at inayos rin ang mga nahulog na envelope sa locker ko. Kailan ba magsasawa ang mga babaeng 'to na punuin ang locker ko ng mga walang kwenta nilang letter?

Nilingon ko si Chasey at bubuksan pa lang niya ang locker niya. Bigla kong pinulupot sa tyan niya ang isa kong braso at hinigit siya palayo dahil may matatapong balde sa kanya. Nahila ni Chasey ang locker niya bago ko niya ito mabitawan kaya bumagsak ang balde sa sahig. Natapon ang laman nito na tubig at ilang piraso ng palaka. Napakapit siya sakin ng mahigpit at napansin ko na bigla siyang namutla. Takot siya sa palaka?

Her Secret Identity [Sunny Cameron, bk. 1] CLOAKWhere stories live. Discover now