Chapter 3 : Savior

18.9K 384 41
                                    

^Jillian

--

Chapter 3:

Mabilis lang naging takbo ng mga oras recently. Friday na kaagad. Nung isang araw at nung kahapon nagumpisa na kami makilala yung subject teachers namin for this year, tsaka ngayon yung first official day of classes talaga. As in yung may klase kumbaga.

Paalis na ako ng bahay ng mapansin kong umuulan sa labas. Nahuli kasi ako gumising kaya pinauna ko na si Spring sa pagpasok, atleast siya nakaservice pagpasok samantalang ako magc-commute na lang. Hindi naman ako maarte, hindi tulad ng first impression sakin ng ibang tao.

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa school tsaka biglang bumuhos ang ulan. Dire-diretso lang ako sa locker ko para ilagay yung iba kong gamit. Pagkabukas ko ay natapon kaagad ang maraming envelope sa harap ko, napatingin naman yung iba na kasabay ko na maglalagay rin ng gamit sa locker. Napailing na lang ako habang pinupulot ko isa-isa. Siguro puro "congratulations" letters lang to, mga pakana ng taga-ibang year dahil kumalat na sa school na ako na naman ang "Ms President" ng klase namin.

Papasok pa lang ako ng classroom ay may nahagip agad ang dalawa kong mata, si Rain habang nakatingin kay Martina na nasa harap ng room. Hindi pa nga natatapos ang isang buong linggo pero kumakalat na crush daw ni Rain si Martina. Sino bang may pakielam sa kanya Sunny? Wag mo na yun isipin.

"Sunny, nabili na nga pala yung mga kailangan natin para dito sa room..." Sabi ni Sandy.

"Pardon me?" Sabi ko lang, natulala pala ako habang tinitingnan yung lalaking yun.

"Sabi ko ayos na lahat ng kailangan natin." Sabi niya sakin na medyo naiirita ng kaunti.


"Ah. Good." Sabi ko lang.

Last two days kasi nagfund raising kami para may magamit kaming pera pambili ng cleaning and decorating materials. Nung first day kasi sobrang plain ng room, estudyante kasi ang bahala sa pagdedecorate ng kanya-kanyang room nila. Nagbenta kami ng bote at papel at nakaipon naman kami ng malaki laki at ginamit nga pambili nung mga pinabili ko kay Sandy.

"Ma'am, may classes pa po ba?'' Tanong ko.

Grabe kasi ang buhos ng ulan. Kakaumpisa pa lang ng first week namin, kulang na lang liparin yung building naming sa lakas. Note the sarcasm, ang tibay ng school na 'to at impsibleng liparin.

"Still not sure Sunny, why?"Sagot sakin ni Ma'am.

"I'll suggest na ngayon na mismong araw na 'to tayo magayos ng room para hindi sayang yung oras. Tsaka para din hindi sila maging pala-lakwatsa lalo na busy ang mga teachers ngayon."

Hindi ko naiwasang mapatingin sa labas, ang lakas lakas ng ulan.

Ayoko sa ulan, feeling ko magkakasakit ako pag umuulan.

Pumayag naman ang teacher namin kaya maya-maya ay nagsimula na kaming ayusin ang room namin. Nagumpisa muna kaming linisin bawat sulok at tulong tulong naman kaming lahat na ginawa iyon.

Ay, hindi pala lahat kami. Maliban kay Rain. Kebago bagong student ang tamad tamad. Akala mo kung sino siyang batas dito. Nakakainis siya. Makita ko pa lang siya umiinit na dugo ko.

-*-*-

Natapos naman agad kaming maglinis at nagumpisang idecorate ang tables by gender. Kung babae color sky blue, kung lalaki ay pink. Sinadya nilang ibaligtad, Hindi ko rin maintindihan bakit nila ginanun. Basta ko na lang sila pinagbigyan, baka hindi kami nakauwi sa tagal ng meeting dahil lang sa color coding ng tables.

Her Secret Identity [Sunny Cameron, bk. 1] CLOAKWhere stories live. Discover now