Chapter 13 : Room

4.7K 126 18
                                    

Chapter 13:




"Sunny! Bakit ka ba nagmamadali?"




Hindi na ako nag-abalang tingnan kung sino yung tumatawag sakin. Ang sagwa man tingnan pero medyo basa pa yung buhok ko, halos ibalibag ko na rin ang bag ko dahil ang hirap dalhin at nakabukas pa rin yung blouse ko, buti na lang at naiisipan kong magtshirt kanina.


"Sunny ano ba?!"

Nakaramdam ako ng sobrang higpit na hawak sa braso ko. Isang masamang tingin ng Gabriel Edward ang nakita ko. Suot suot na niya yung uniform niya kaagad.


"Huminga ka nga muna. Hihikain ka na naman."

Hindi ko na naipaliwanag ng maayos sa kanya yung nangyayari ngayon. Pinakita ko sa kanya yung phone ko at pinabasa ang message na nareceive ko habang nagj-jogging ako kanina. I even received a call habang nagj-jogging ako kaya nagmadali akong pumasok.


"Not again!"

Tumakbo na kami pareho papunta sa room. Nakaabang sa labas ng room sila Jill, Cha, Ken, Tian at Rain. Nakatingin pa rin sa loob si Rain. Tinulak ko siya patagilid at tama nga yung nareceive kong text, the room is really in mess.

Sirang sira ang tables at chairs namin, parang pinalakol pa yung iba. Meron ding abo sa paligid at ilang piraso ng tela na galing sa uniform namin. Ang nakakapagtaka lang ay seats ko at ng mga kaibigang malalapit sakin ang naging ganun ang nangyari. Yung natira ay mukhang normal lang; wala lang sa tamang pwesto o hindi kaya ay nakabaligtad.



Pinuntahan ko yung pwesto ng seat ko at ito ang pinakasirang sira sa lahat ng siyam na upuan. Mukha man siyang buo pero halatang halata na ginamitan ito ng palakol para sirain. May mga nakasulat pang iba't ibang masasamang salita at kung ano ano pa sa iba't ibang language. Nandun pa rin yung pangalan ko pero gupit gupit na ito, tinira nila ang position ko sa klase; yun ang pagiging Class President ko. Meron din silang dinikit na litrato ko na kuha galing sa school ID ko. Katabi ng picture ko ang isang school seal na galing sa uniporme ng mga taga-dito. Kinuha ko ito at may bakas ito ng dugo, tanging "Trinity" na lang ang natitirang malinaw na parte mula sa pangalan ng school ko.


Tinignan ko rin ang upuan ko at sira ang mga paa at sanadalan nito. Sinunog nila ang gitnang parte nito at halatang sinulatan pa nila ito bago sunugin dahil may mga hindi tapos na sentence sa upuan ko.


Tumingin ako sa white board. Nakakasukang tingnan ang board dahil sa hitsura nito. Walong itim na kalapati ang nasa board. Pinako nila ito sa pinakataas na parte na board na gawa sa kahoy. Tumutulo pa rin ang dugo nito. Meron ding nakadikit na parang banner o flag sa white board. Isang symbol na hindi ko alam bakit sobrang pamilyar sakin. Katabi nun ay isa pang scroll na puti.


Tinakpan ko ang ilong ko gamit ang panyo ko bago ako lumapit sa board. Hinila ko ang isang tali at biglang bumukas yung scroll. Napaurong ako dahil sa nakasulat dito. "Truth is waiting for you Trinity."


Ang sunod ko na lang nakita ay nasa sahig na ako, nasa ibabaw ko si Rain at basang basa siya. Lalo akong natulala. Pumapatak ang kakaibang pulang likido galing sa buhok niya. Bumabagsak ang bawat patak nito sa pisngi ko. May naramdaman akong takot dahil dito.

Her Secret Identity [Sunny Cameron, bk. 1] CLOAKWhere stories live. Discover now