Chapter 21: Bleed

2.3K 68 7
                                    

"Sunny!"

Napatingin ako sa adviser ko na natigil bigla sa pagtuturo, sunod kong tiningnan yung mga kaklase ko. Anong ginawa ko this time?

Kinuha niya ang panyo ko at tinakip sa mukha ko at doon ko pa lang naintindihan na dumudugo ang ilong ko. Hindi ko alam kung may nararamdaman akong sakit pero napakagat na lang ako sa lower lip ko ng makita ko gaano na kakalat yung dugo sa papel ko.

"Sunny, please proceed to the clinic. Rain, accompany her."

"I can go by myself."

Kahit medyo nahihilo ako, I managed to get inside the clinic. Dali dali naman nila akong inasikaso dahil patuloy pa rin ang pagdugo ng ilong ko. Tumigil na rin maya-maya yung pagdudugo kaya pinaupo nila ako sa isang bakantang bed habang may ice pack yung bandang ilong ko.

"Sunny, may kukunin lang akong delivery okay? Dito ka lang."

"Sige po Ma'am."

"Wag ka muna humiga ha."

Umaiis din siya agad agad at hindi ko maiwasan na antukin sa sobrang tahimik. Narinig kong bumukas yung pinto at si Rain ang pumasok.

"Bakit ka andito?"

"Sayang yung excuse slip." Winagayway niya ng konti yung excuse slip na nirelease ng adviser naming at tsaka siya naglakad papunta sa bed ko. Umupo agad siya sa tabi ko at tsaka inalok yung earphones niya.

"Baka nabobored ka."

"Ikaw na mamili ng kanta."

Agad agad niyang sinaksan yung earphones sa phone niya at nilagay ang isang piece sa kaliwa kong tenga at ang kabila sa kanan niyang tenga. Narinig ko kaagad yung "Beethoven's Virus" in Piano version. Pinikit ko yung mga mata ko. Dahan dahan niyang sinandal yung ulo ko sa balikat niya. Tahimik lang siya.

"Sunny..."

"Hmm..."

"Klaro naman sayo na gusto kita, diba?"

Hindi ako umimik. Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko sa pag-iwas ko sa tanong niya. Hinawakan niya ang kamay ko at dahan dahan niyang inintertwine ang mga daliri namin.

"Sunny, gusto kita. Hayaan mo sana ako na alagaan ka..."

Hindi ko alam paano tatanggapin yung nararamdaman niya sakin. I asked for this before pero kay Gab and now, accepting it from him... bakit parang hindi ko maintindihan? Ganito rin kaya nararamdaman ni Gab noon?

"Sunny, hayaan mo akong protektahan ka."

Hinigpitan niya yung pagkakahawak niya sa kamay ko. Bakit nanghihina ako sa mga sinasabi niya?

"Hayaan mo kong mahalin ka."

Tiningnan ko siya. Tinanggal niya yung ice pack na nakalagay sa bandang ilong ko at dahan dahan niyang nilapit yung mukha niya. Nagkadikit ang mga labi namin at naramdaman kong nilagay niya ang kamay niya sa may bandaang leeg ko. I responded to his kiss, a sweet and gentle kiss in return for this guy.

Pagkatapos niya akong halikan at ngumiti siya. Ningitian ko siya pabalik ng makita ko si Gab at Chasey na kakapasok lang. Nilaro ng mga daliri ko saglit ang buhok niya at hinalikan ulit siya, sinubukan kong gawin yun habang nakatingin sa kanilang dalawa at pakiramdam ko at nakita naman nila yun dahil bigla na lang naming narinig ang ingay ng pinto. Napatigil si Rain sa paghalik at nilingon ang pinto. Umalis na silang dalawa- hindi niya naabutan sino yung mga pumasok.

"Kaya mo na ba? Hinahanap ka na kasi para ayusin yung event bukas sa Buwan ng Wika." Tanong niya pagkatapos niyang tumawa kanina.

"Tara." 

Her Secret Identity [Sunny Cameron, bk. 1] CLOAKWhere stories live. Discover now