Chapter 2 : Election

19.2K 476 50
                                    

^Rain

-*-*-

"Sunny, wake up.." Bigla akong napatayo ng maayos dahil sa kumakalabit sakin. Tiningnan ko ang paligid at wala ng tao.

Teka, nasa classroom pa rin ako?

[The book is now available on your local bookstores entitled as "Her Secret Identity" under Pop Fiction written by yours truly. Please buy a copy! Sending all the love and have fun reading!]

"Psh. Tulog pa Sunny. Tulog pa~" Yumuko ako tsaka ko kinusot yung mga mata ko. Kinuha ko pa yung panyo ko sa bulsa ko para punasan ang mukha ko, mamaya kasi may dumi pa.

"Oh... Kuya Gab? Bakit wala ng tao?" Tanong ko sa kanya.

"Uwian na kaya. Gising gising din pag may time ha?" Napakunot naman ang ulo ko dahil doon.

Napakagandang buhay, panaginip lang yung pangti-trip sakin ng Cruz na yun. Buti na lang kung hindi ay baka napatay ko na siya ng wala sa oras. Ibig sabihin nanaginip lang ako kanina? Tulog pa kasi Sunny! Tulog pa!

Napakapkap tuloy ako bigla sa kwintas ko pero andoon pa naman... so natutulog nga lang talaga ako.

"Uuwi ka na ba?" Umiling lang ako ng kaunti dahil sa tanong niya.

"Umuwi ka na, mukhang uulan oh."

Tumayo na ako at inayos ang gamit ko. Nung maglalakad na sana ako ay may napulot akong colored paper sa ilalim ng upuan ko at kinuha ko naman tsaka ko nilagay sa bag ko. Sa bahay ko na lang itatapon ang mga basura ko.

Sinabayan na ako ni Kuya Gab sa paglabas ng school. Kakaunti na nga lang ang mga tao at halatang uwian na talaga. Ganun na lang ba kahaba ang pagtulog ko sa klase kanina? Nakakahiya naman pero buti na lang ay hindi ako pinagtripan ng mga classmates namin kung hindi, baka sirang sira talaga ang first day of school ko.

"Kaya mo na magisa? Siguradong hindi ka na sasabay ha?"

Kanina pa paulit ulit tong si Gabriel Edward. Mas okay ng magcommute ako kesa umangkas ako sa motor niya.

Hindi lang naman basta-bastang motor ang gamit niya- big bike ata tawag doon. Malaki iyon at kung titingnan ay parang kaya lang patakbuhin ng isang matandang lalaki na di katulad niya.Paniguradong mamahalin din. Ang alam ko bago pa lang sa kanya yan kaya ingat na ingat siya.

"Wag na. Next time na lang pagready na akong mamatay sa sobrang bilis mong magmaneho." Sabi ko sa kanya at sinuot na niya ng mabuti ang helmet niya.

"Sige. Ingat ka." At tsaka siya umalis. Mula sa kinatatayuan ko ay kitang kita kung paano magpatakbo ang loko-lokong iyon. Kulang na lang paliparin niya ang sarili niya gamit yung motor.

Naghintay ako sa waiting shed hanggang sa inabutan ako ng malakas ulan. Tuwing pang-umaga lang kasi ang service ko pero pag uwian ay commute ako, pampaiwas late ko kasi sa umaga ang service, tsaka mas mabilis ang biyahe at hindi hassle pag may serive lalo na kung marami kang dala sa umaga tulad ng projects at marami pang mga bagay na dinadala para sa school.


Naglakad lakad ako hanggang sa makarating ako sa tamang waiting shed. Umupo ako dun at naghihintay pa rin ako ng jeepney, madami ngang dumadaan pero purong-puno naman. 

Biglang may tumigil na kotse sa harap ko, hindi ko pinansin pero ang ganda kasi nung kotse. Hindi lang siya basta basta o ordinary. Nakalimutan ko na ang pangalan ng kotse na 'to.

Her Secret Identity [Sunny Cameron, bk. 1] CLOAKDove le storie prendono vita. Scoprilo ora