Chapter 8 : Duties

9.5K 219 36
                                    

Chapter 8:


"Are you okay?"

Bumalik ako sa katinuan ng narinig ko yang tanong na yan, si Ken lang pala. Sinet aside ko muna yung notes na hiniram ko sa kanya, masipag kasi 'to magsulat habang discussion kaya sa kanya ako kumopya.


"Oo naman." Uminom ako sa kapeng binigay niya, sakto lang dahil wala pang laman ang kape ko ng kahit ano man lang.


"Good morning." Muntik ko ng matapon yung kapeng hawak ko dahil sa bati ni Gab, bigla niya kasi akong inakbayan.


"G-good morning." Bati ko sa kanya. Umupo siya ng maayos sa tabi ko habang naka-akbay pa rin. Hindi ko na lang pinansin at tinutuloy tuloy ko na lang yung pagsusulat ko ng notes.


"Good morning bro!"

Hindi ko na pinansin kung sino yung bumati, ininom ko ulit yung kape ko at may nakita akong may nagaalok sakin ng mansanas. Tiningnan ko kung sino at halos mabulunan ako sa nakita ko. Isang Rain ang nakangiti sakin at inaalok ako nung mansanas.


"Sabi nila mahilig ka sa mansanas kaya binili kita.''

Ngumiti lang ako kahit medyo pilit at tsaka tinanggap yung mansanas.


"Allergic si Sunny sa mansanas. Thank you ha?"

Napayuko na lang ako at tinitigan yung notes ko. Piling tao lang ang nakakaalam na allergic ako sa mansanas. Sa red na red na mansanas ako allergic pero sa pinkish naman hindi ako inaatake minsan ng allergies. Pinkish apple yung inoffer sakin ni Rain kaso inagaw na ni Gab, paborito niya kasi yun.


Tiningnan ako ni Rain habang napakamot siya sa batok niya habang kagat yung lower lip niya.

Kumalma ka Sunny, wala lang yung kagabi. Kalma okay? Ihinga mo lang yan.


Kinuha ko yung kape ko at ininom ko ng dire-diretso na parang tubig kahit sobrang init. Mas mainit pa ata ang mukha ko kesa sa kape.



"Huy Sunny, may kape pa dun. Gusto mo pa?" Bati sakin ni Pat.

Napailing ako at kinopya ang notes ni Ken. Kahit gulo-gulo na yung sulat ko basta makakopya ako ayos lang. Alam kong pareho silang nakatinggin sakin dahil pareho ko silang nasa gilid, si Ken naman ay nasa harap ko at nagpipigil ng tawa ang loko.


"A-ahh. Excuse." Kay Gab ako humarap at ginilid niya yung inuupuan niya kaya dali-dali akong nakalakad palayo.

Dire-diretso ako sa pinakamalapit na cr at naghilamos ako ng malamig na tubig. Kinuha ko ang panyong nasa bulsa ko at tinuyo ko ang mukha ko kahit papano.



"Sunny. Kalma. Kumalma ka. Wag mo intindihin yung kagabi. Ngiti lang. Huminga ka."

Paulit ulit ko ng sinasabi yan. Buti na lang at walang tao sa comfort room na 'to. Inayos ko na ang buhok ko at ngumiti sa salamin. Lumabas na ako at ginulat pa ako ni Ken.

Her Secret Identity [Sunny Cameron, bk. 1] CLOAKUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum