Chapter 5 : Bandage

12.7K 264 46
                                    

^Elise:

-*-*-

Chapter 5:

"Bitawan nyo ko!" Sigaw ng isang batang lalaki.

May mga lalaking nakaitim, may kasama yung dalawang batang babae at apat ito na batang lalaki kung titingnan sila ay nasa edad na lima hanggang anim na taon na ito. Napuno ng ingay ang paligid habang ang bilis magpatakbo ng driver na nasa van. May ingay din na nangagaling sa sasakyan ng mga pulis.

"Alex!" Sigaw ng isang lalaki sa labas, nakasakay siya sa kotse na pilit nakikipaghabulan sa van kung nasaan ang mga bata. Lumingon ang isang batang babae na nasa may bintana at hinampas niya ang bintana na humaharang dito.

Ang lalaki na nasa tabi ng driver's seat ay dumungaw sa bintana tsaka binaril ang lalaking sumigaw kanina. Biglang tumigil ang sasakyan na iyon at bumilis pa ang takbo ng van. Iyak ng iyak ang isang batang babae habang ang isa ay nakapirin. Lahat ng batang andito ay may tali sa kamay, tanging ang isang batang babae na iyon lamang ay may takip sa mata.

"Natamaan tayo boss!" Sigaw ng isa at isang nakakabinging tunog galing sa gulong ang sunod na umalingawngaw.









Bigla akong napaupo pagkatapos kong gumising mula sa bangungot na iyon. Napayuko ako at niyakap ang mga tuhod ko. Bigla akong nakaramdam ng takot. Ito lang ata ang bagay na nakakabigay sakin ng ganitong kaba. Nakakapangilabot.

Tumayo ako at sinuot ko ang tsinelas ko, binuksan ko ang ilaw sa kwarto bago ako bumalik sa kama ko. Hindi ako mapakali. May mali sa akin. Uminom ako saglit ng tubig na dinala ko kanina dito sa kwarto ko bago matulog, pagkatapos kong uminom ay hindi pa rin talaga ako mapakali.

"Sunny.. Wag mo ng pilitin.." Yan ang paulit ulit kong sinasabi habang nakaupo ako sa office chair ko.

Hindi ko alam kung andoon ba ako sa bangungot ko.

Napahawak ako bigla sa isang maliit na peklat na nasa bandang kanang bahagi ng leeg ko, maliit lang naman yun pero pag hinahawakan ko yun kakaiba ang nararamdaman ko. Para kasing isang 'clue' yung peklat na yun sa bangungot na iyon.

Pinikit ko ang mga mata ko at magugulong pangyayari ang nakita ko. Mga gulong ng sasakyan na parang naghahabulan, nagkakabangaan. Bala ng baril na nasa gitna ng kalsada, mga dugo at nakabaligtad na sasakyan. Pati ang mga sa bata na nasa bangungot ko ay nakita ko sa pagpikit ko ng mata ko, kaso nakahandusay na sila at duguan. May usok, nagkalat ang tao, pulis, ambulansya at mga tao.

"AAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!!" Niyakap ko na naman ang mga tuhod ko habang nakaupo ako sa office chair ko.

Pagkatapos kong sumigaw ay tsaka ko pa lang napakalma ang sarili ko. Inayos ko ang sarili ko bago huminga ng malalim. Napatingin ako sa orasan at mag a-alas dos pa lang ng madaling araw. Hindi talaga ako maiwanan ng curiousity na mayroon ako ngayon, dati naman pagkatapos kong bangungutin nalilimutan ko kaagad at mabilis akong kumakalma. Ngayon lang naging iba.

Tumayo ako at pumunta sa isang cabinet kung nasaan ang mga albums ko, hinila ko iyon at kinuha ito isa isa. Pagkatapos kong kunin lahat ng albums ko ay sinarado ko na ulit ang cabinet na iyon. Umupo ako sa sahig at isa isa itong tiningnan, puro solo picture ko lang andoon. Kung hindi naman solo ay kasama ko si Spring at Ice. Ang sunod na mayroon akong kasama na iba ay simula nung 7 years old na ako, nung panahon na kilala ko na si Nica at naging palakaibigan na ako.



Pinipilit kong alalahanin ang mga nangyari bago kami nagkakilala ni Nica pero wala talaga. Normal ba yun? Pero bakit sila Gabriel tanda nila? Pakiramdam ko tuloy ang daming kulang sa pagkatao ko. Big deal kasi sakin, baka sakaling malaman ko bakit ganito ako ngayon. Kung bakit pakiramdam ko may kakaiba sakin at sa paligid ko.

Her Secret Identity [Sunny Cameron, bk. 1] CLOAKWhere stories live. Discover now