Chapter 16: Thoughts

3K 86 23
                                    

Chapter 16:


"Flash news! Flash news!"




Nabangga ako ng lalaking naghahatid ng newspaper for the week. Binigyan naman niya ako ng kopya at tsaka ko lang siya ningitian. Bigla bigla din siyang umalis at namigay pa ng newspaper.


"Sunny!"

 Lumingon agad ako at nakita ko si Tian na tumatakbo papunta sa direction ko.


"Kamusta?" Tanong niya agad sakin.


"Okay lang. Medyo pagod pa din."


"Halata nga eh. Oh ano yang hawak mo?" Tinuro niya yung hawak hawak ko na newspaper. Binigay ko sa kanya iyon at tsaka niya binuklat.


"Eto yung nakita ko kagabi ah... Akala ko namamalik mata lang ako." Bulong ni Tian.



Tiningnan ko ng mabuti yung sinasabi niya at tama nga ako ng nakita, si Rain at Amber na magkasama sa bar kagabi.

Nakita ko sila kagabi. Pinapanood ko lang sila sa malayo. Hindi nga ko makapaniwala na magkasama sila kagabi. Hindi ko alam kung lasing ba sila pero parang nag-aapoy ang paligid dahil sa kanilang dalawa. Intense.



"Mr. Transferee and Queen of the Campus, officially dating na nga ba? Ang gandang headline nito ah." Tuloy tuloy na sabi ni Gab habang naka-akbay sakin.


"Pare ikaw yung nasa background ah?" Tanong ni Tian kay Gab. Napatingin din ako sa newspaper. Blurred nga pero siguro dahil ilang taon ko nang kakilala si Gab ay alam ko ng figure na yung andoon.


"Ha? Oo. Ako yun. Magkasama kami nung gago kagabi. Lasing nga eh-" Biglang natigil sa pagsasalita ang lalaking ito ng bigla siyang hinarang ni Rain sa paglalakad naming tatlo. Nagkatitigan sila saglit at tsaka umalis.




"Good morning Sunny~" Bati ni Jill pagkaupo ko sa tabi niya. Inofferan naman agad ako ni Cha ng coffee na agad ko namang tinanggap.


He kissed her right in front of my eyes last night.



I'm not sure kung confirmed na lasing ba sila or not.


Paulit ulit yung scene na naghalikan sila sa utak ko. Ugh.



"Sunny eto na yung homework mo oh. As I promised." Bigay ni Pat. Ganito talaga yun kapag may biglang out of nowhere command galing sa society.

Ngumiti lang ako sa kanya at tsaka tumayo.


"Tara sa locker?" Yaya ko sa kanila. Tumayo si Jill at nagpresenta na sasamahan na raw niya ako.

Her Secret Identity [Sunny Cameron, bk. 1] CLOAKWhere stories live. Discover now