Chapter 6 : Toy

10.3K 243 34
                                    

PAT^

Chapter 6


"Ate.." Salubong kaagad sakin ng kapatid ko. Niyakap niya ko at hinimas ko ang likod niya.

"Tara na. Hindi ka pa kumakain no?" Tumango siya bilang sagot sakin.

Napangiti ako dahil sa sagot niya, kahit kailan hindi siya kumakain ng hapunan kapag wala ako. Ganun din naman ako pag wala siya, hihintayin ko siya kahit madaling araw na ko kumain ng hapunan basta kasabay ko siya. Siguro nasanay lang kami talaga lang palagi magkasama sa bahay.

Matagal na kasi kaming hindi binabantayan ng parents namin. Halos lumaki na nga kami na iba't ibang yaya ang kasama namin dito sa bahay. Kung hindi sila aalis ay papaalisin naman sila ni Mama.

Matagal ng busy ang nanay ko sa pagtatrabaho, doctor kasi siya sa Europe. Paikot ikot lang siya doon pero every 3 years umuuwi naman siya at halos 2-3 months kung magstay. Marami siyang pasyente dun sa Europe kaya kahit gusto niyang dito na lang sa Pilipinas siya magtagal ay hindi pa rin pwede, in demand kasi. Sinuportahan na lang namin siya ni Spring kaysa (kesa) mamili siya sa trabahong mahal na mahal niya o saming mga anak niya.

-*-*-

"Sunny.. Be the bandage of my broken and useless life.."

Simula ng pumasok ako sa kwarto ko at nagpagulong gulong sa higaan ko ay hindi na maalis sa isip ko yung sinabi niya sakin kanina. Yung hitsura ng mukha niya nung mga oras na yun, yung boses niya, yung...

Nako Sunny! Magaral ka na lang kesa yan ang intindihin mo!

"Ate Sunny sila Auntie daw dun muna sa anak niya mags-stay, may sakit daw kasi. Pano yan?" Sabi ng kapatid ko pagkatapos niyang pumasok sa kwarto ko.

Sasagot na sana ako ng biglang nagring ang phone ko. Agad ko itong kinuha at tiningnan kung sinong tumatawag, si Pat lang pala.

"Oh Pat? Himalang napatawag ka?" Bati ko kaagad sa kanya.

(May bago kang laro, libre ka ba ngayon?) Napatinggin ako sa kapatid ko at nakangiti siya, napindot ko pala kaagad ang "loudspeaker' kaya niya naririnig.

"Sakto lang pala, naghahanap rin kami ng bahay na pags-stayan ngayong gabi. Wala kasi si Auntie." Sagot ko sa kanya.

Duwag na kung duwag pero ayaw kong natutulog dito sa bahay pag wala si Auntie. Hindi naman pwede sa kanila kasi maliit lang doon tsaka ayaw naming makaistorbo, madalas isa kina Jill, Pat o Gab kami natutulog.

(Sunduin na kita within 45 minutes okay? Magimpake na kayo.) At agad niyang binaba yung tawag, kahit kailan talaga si Adeline.

"Ate sama--"

"Hindi. Papabantayan kita sa yaya nila. Saglit lang ako." Tumayo ako sa pagkakaupo ko at kumuha ng bag. Nagumpisa na akong maglagay agad ng damit sa bag ko.

"Unfair ka ate. Dali na." Pagmamakaawa niya, sa lahat ng pinupuntahan ko ay doon lang sa lugar na yun hindi ko siya sinasama. Mahirap na baka mamaya ay mapano siya.

"Pagsinabi kong hindi, hindi okay?" Nanahimik na siya at kinuha na niya ang uniporme at ibang damit na gagamitin niya.

-*-*-

"Oh sino naman yan ngayon?" Tanong ko kay Pat. Nasa loob na kami ng sasakyan (na dinadrive ng kuya niya) ng may inabot siyang folder.

"Bah, malay ko. Dinemand lang yan sa society na yan naman daw ang turuan ng leksyon."

Her Secret Identity [Sunny Cameron, bk. 1] CLOAKWhere stories live. Discover now