Napatitig ako sa baso kong may laman na juice. Lester never told me a thing about Nazaire, even before. Walang nababanggit na kahit na ano si Lester patungkol sa mga tao rito sa Heartfilia Academy tuwing magkakasama.

"Then I heard them talking about... Imperium? If I heard it right. May alam ka ba kung ano iyon?" dagdag ni Louise at nakakunot-noo akong tiningnan.

Umiling ako sa tanong na iyon ni Louise. Ilang sandali lang ay nagpaalam na ako sa kanya at nagmadali akong bumalik sa dorm ko.

Kinuha ko ang kahon sa ilalim ng aking higaan at inilabas mula roon ang papel na ibinigay sa akin ni Iana.

Binasa ko nang mabuti ang mga print outs na iyon patungkol kila Nazaire. Inabot din yata ako ng isang oras ngunit wala rin akong napala.

Nothing was stated about their relation with Lester. Hindi naman pwedeng nagkataon lang ito dahil unang-una, hindi pwedeng basta na lamang siyang kinausap ni Nazaire tungkol doon base sa sinabi ni Louise.

Ibinalik ko sa kahon ang mga papel. Iniligay ko na rin doon ang susi na natanggap ko kanina pati na rin ang sulat.

Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko sa art room.

Mabuti na lamang at bukas ito. Walang estudyante roon.

Iginala ko ang paningin ko sa buong silid at napabuntong-hininga ako.

I want a short escape. Kahit sandali lang.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga artworks na naroon.

May isang painting na nakasabit sa pader ang umagaw ng atensyon ko.

It is the long path from the gate to the main one. Kulay berde ang paligid nito at may iba't ibang bulaklak. It looked like the replica of it. May pirma pa ito sa bandang ibaba.

Tiningnan ko pa ang ibang painting bago dumako ang atensyon ko sa malaking cabinet. Tinahak ko iyon at nang buksan ko ay puro art materials ang naroon.

"Hmmm..."

Sa halip na kumuha ako ng watercolors at brushes ay kinuha ko na lang ang isang lapis. Pagkatapos noon ay inabot ko rin ang malaking sketchpad.

Umupo na ako at nagsimulang mag-sketch na tila hindi alintana ang orange code.

Una kong iginuhit ay mata. At kasunod na ay ang iba bang bahagi ng kanyang mukha.

I stopped for a while. Nakaramdam ako ng bahagyang pangangalay sa kamay. Tiningnan ko ang wristwatch ko at saka ko lang napagtanto na isa't kalahating oras na pala akong naroroon at madilim na rin sa labas.

Sinikop ko ang buhok ko at tinali ito at saka ko ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

I did the last touch on my sketch. Napangiti ako nang matapos ito at nang mapagmasdan ko ang buong mukha ni Nazaire sa sketchpad.

Ilang minuto ko itong tinitigan.

His eyes are fierce. Just like how it seemed the first time I saw him. His nose is pointed. Maninipis din ang labi niya at bahagyang magulo ang kanyang buhok.

I also put a shadow to emphasize his features. Tanging mukha niya lang ang naroon sa papel.

At the bottom right of the sketch, I wrote changeur de jeu in cursive together with my initials.

Hindi ko rin alam kung bakit iyon ang isinulat ko. Naalala ko lang ang minsang sinabi ni Chastity sa akin.

Muli akong pumunta sa may cabinet at kumuha ako ng isang frame roon kung saan magkakasya ang ginawa ko.

Heartfilia's PremisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon