"Oh my God," hinihingal na saad niya ng makarinig kami ng yapak galing sa taas.

Nasa exit na kami ng 11th floor parking lot at wala na kaming pagpipilian kung hindi ang lumabas o rito kami mismo mahuhuli.

"Keep your head down, Leigh," bilin niya sa akin bago binuksan ang pintuan.

"Miss Sheiana!" tawag ng isa nilang agent nang makita kami at kaagad kami nitong itinakbo sa kanilang sasakyan habang patuloy pa rin ang pagbabaliran. 

"Leigh bilis!" saad niya nang makapasok na siya sa kanilang sasakyan ngunit bago pa man ako makahakbang papasok ay may humila na sa akin palayo roon.

Narinig ko ang malakas na pagsigaw ni Iana. Gustuhin ko mang sumigaw upang makahinga ng tulong ay hindi ko nagawa dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa aking bibig.

Saka niya lang ako binitiwan nang ipasok niya ako sa isang limousine ngunit hindi ko pa rin nagawang sumigaw. Mabilis ang naging takbo nito palayo sa condo.

Ang kaninang namumuong luha sa aking mga mata ay wala nang hinto sa paglabas ngayon nang mapagtanto kung sino ang kumuha sa akin. 

Bawat isa sa kanila ay may hawak na mahahabang baril at kahit saan ko man hanapin ang boses ko ay wala na akong makapa kahit na kaunti. Sunod-sunod ang paghinga ko ng malalim dahil sa takot.

"Boss may nakasunod sa likod. Mga tauhan ng Imperium," rinig kong sabi ng nagmamaneho at lahat sila ay tila nagpapanic na. 

Hindi ko na alam kung saan pa isisilid ang takot na nararamdaman ko. Kahit tunog ng aking paghikbi ay hindi ko na marinig.

"Tatlong sasakyan boss," saad ng isa sa aking likuran at narinig ko pa ang pagmumura ng iilan.

Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa sobrang taktot lalo na nang mas lalo pang binilisan ang pagmamaneho.

"Paputukan niyo na!" utos ng lalaki sa harapan at isa isa nilang binuksan ang mga bintana nang iliko nila ang sasakyan sa isang daan na hindi gaanong nadadaanan.

May ilang punong-kahoy sa paligid at sa kaliwa ay may malalaking mga bato. 

"Shit!" 

Biglang tumigil ang sasakyan at sa harapan nito ay may dalawang aston martin. 

"Iatras mo!" pasigaw na utos ng lalaki na mas lalong napatindig sa takot na nararamdaman ko.

"Boss, mayroon din sa likod. Naharang tayo," saad ng lalaki na mababakasan ng pangamba sa kanyang boses.

Hinarap ako ng lalaki at agad akong napapikit nang itaas niya ang aking baba gamit ang dulo ng kanyang baril.

"Huwag kang gagawa ng kahit na anong ikakapahamak mo, naiintindihan mo ba?" tanong niya at mas lalo lang na nanginig ang aking katawan.

"NAIINTINDIHAN MO BA!?" ulit niya sa mas mataas na boses at mas lalong idiniin sa akin ang hawak niyang baril.

"O-op-opo," nanginginig na saad ko kasabay ng pagbuhos ng aking luha.

Isa-isa silang bumaba habang ako ay naiwan sa loob kasama ang isa na mahigpit akong hinahawakan. Sa kabila ng nanlalabo kong mga mata ay nakikita ko pa rin sina Nazaire na bumaba galing sa sasakyan at pare-pareho silang apat na may mga hawak na baril.

Patuloy lang ako sa pag-iyak dahil sa takot habang kung may ano silang pinag-uusapan sa labas.

Biglang bumukas ang pintuan at bumungad doon ang isang lalaki na sa kabilang tabi ko kanina.

"Ibaba mo raw sabi ni Boss," saad niya at umalis na bandang pintuan.

"Huwag kang magbigay ng dahilan sa amin para saktan ka namin," mabigat na saad niya at hinawakan na ako nang mahigpit sa braso bago ako ibinaba.

Heartfilia's PremisesWhere stories live. Discover now