"Susunod ako" Aniya.

"Ang dami daming bata sa kalye ang handang kainin kaagad ang mga pagkain tapos ikaw pag aantayin mo lang, Declan? Umayos ka. Wag mong bastusin ang grasya." Irap ko. Napamulat siya ng mata at napatingin saakin. Umayos ako ng tayo samantalang siya ay pupungas pungas na umuupo ng tuwid.

"Ang sungit sungit mo parin kahit binasted mo ko, last last day..." tumawa siya ng mahina. Parang biglang gumaas ang dibdib ko dahil sa narinig kong tawa niya. Ilang araw ko bang hindi narinig 'yon? 

Mahina kong sinipa ang lintik niyang binti. Bahagya siyang napa-aray sa gulat. "O talaga? Eh ikaw hindi ka ba nakokonsensya—"

"Ito nanaman ba tayo, Arianna Camille?" mula sa mapaglarong boses kanina ay naging matigas 'yon at seryoso. Napalunok ako sa kaba kahit alam ko naman sa sarili kong hindi niya ako sasaktan. Nagsalubong ang mata naming dalawa at wala akong nagawa kung hindi ang umiwas.

"Kakain na tayo, halika na." aya ko nalang sa kanya at tumalikod na. Naramdaman kong tumayo siya mula sa kinuupuan niya nang magsumula akong maglakad. Nagulat nalang ako nang hatakin niya ang braso ko paharap sa kanya.

At namalayan ko nalang na sumalubong na ang labi ko sa labi nya. Mabilis na umalpas ang ungol sa labi ko dahil sa biglaan niyang ginawa. Bumitaw ang kamay niya sa braso ko at pumalibot 'yon sa bewang ko, samantalang ang kamay ko ay nasa batok na niya. Pinapalalim ang halik.

Ilang minuto ang lumipas at naghiwalay ang labi naming dalawa. Pareho kaming hinihingal. Magkadikit ang noo naming dalawa. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Unti-unti kong minulat ang mga mata kong kusang sumara dahil sa sensasyon ng halik namin dalawa.

Maya mya pa'y hmiwalay siya saakin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Maya mya pa'y hmiwalay siya saakin. Hawak parin niya ang bewang ko. Ang mga kamay kong nasa batok niya ay unti-unting dumulas pababa sa braso niya.

Naghiwalay ang tingin naming dalawa. Naramdaman ko ang mainit niya hininga sa ulunan ko, at ilang sandali pa ang may malambot na bagay ang dumampi sa noo ko. Huli na nang mapagtanto kong ang malambot na 'yon ang ang mga labi niyang humalik din sa labi ko, kani-kanina lang.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The Hypothetical Worth [Ace Lucifer's Series One]Where stories live. Discover now