"George" nasa library ako, nakahalumbaba and sitting alone when I heard someone called me. It's almost a whisper.

"Joseph" umupo sya sa harap ko

"Tagal mo din akong hindi kinausap ha" may halong pagtatampo ang boses ko.

"Sorry. Marami lang akong iniisip" tumango nalang ako. Ayokong maging selfish. Alam ko naman na may mga pagkakataon talaga na marami tayong iniisip at mas gusto nating isipin yun ng mag-isa. Wait, ano bang pinaghuhugutan ko?

"How are you? Next week na ang alis mo diba?" Should I say, I'm fine! I'm great! Never been fine! Shems. Nagiging sarcastic na ko sa sarili ko.

"Yeah. Namimiss ko na din ang mga lola ko eh. Anong gusto mong pasulubong?" one way para hindi nya tanungin ulit ang tanong nya na hindi mo sinagot, tanungin mo din sya.

"Bumalik ka lang okay na" he chuckled. It was a joke pero may parang message hidden inside of his joke.

"GEORGE!"

"SSSSHHHH!" Napatakip ng bibig si Cedric. Yan ang napapala ng mga eskandalosa. Tsk tsk.

"Ano na? Hindi ka pa ba uuwi para mag-ayos?" Itong baklang 'to parang excited na suotin ang gown na binigay ng mommy nya.

Ang mommy nya ay may-ari ng isang clothing line. Wala itong anak na babae kayang tuwang-tuwa itong bihisan at paayusan ako. Ilang beses na rin akong pinilit nito na magmodelo para sa mga designs nya but I said no. Modelling is not my thing. Exposing skins, smilling in cameras, posing are not my things. I prefer to capture photos that to be captured.

I do love art pero hindi ko hilig maging subject. I don't like getting too much attention.

"Oo na. Mauna na kami Joseph. Bye" nagtanguan lang silang dalawang. Nakita kong kinukurot ni Cedric ang tagiliran nya na isa lang ang isa lang ang ibigsabihin. Kinikilig sya. Nasabi ko na ba na type na type nya si Joseph at ang pinsan ko?

"Kalokaaaa! Girl, ang gwapo ni Josephhh!" Hinarang ko ang bag ko dahil nagsisimula nanamang manghampas si Cedric. Nasa loob na kami ng sasakyan nya  at nasa likod lang namin ang mga bodyguards ko na handa ng sumunod.

"Eh di dapat sinabi mo sa kanya"

"Gaga! Eh di najombag ako non" gay language.

Patuloy sya sa pagkwento kung paano sya kinilig habang nagmamaneho kaya nga ang higpit ng kapit ko sa seatbelt ko. Bigla bigla nalang nya kasing bibitawan ang manibela para lang hampasin ako.

"Tapos kung tumingin! Kyaaah! Makalaglag panty" si Sean na ang tinutukoy nya. Ewan ko ba sa baklang 'to kung pano nya nagagawang pagpantasyahan si Sean sa harap ko

"Sira! Nakabrief ka"

"Excuse me?" Tinaasan nya ko ng kilay kaya tinaasan ko rin sya ng kilay.

"Naka-boxer kaya ako" sabay kaming tumawa sa sinabi nya. Nakakabaliw talagang kasama ito.

"Oo na. Sige na mag-aayos na ko. Sunduin mo nalang ako mamaya"

"Wait" hinawakan nya ang kamay ko.

"Bes, thank you for doing this ha? I know you hates parties"

"Anything for you" tinapik ko ng dalawang beses ang balikat nya saka tuluyang bumaba at umakyat sa kwarto ko.

Dun ko nakita ang gown na pinadala ni tita na nasa isang mannequin pa.

This is a simple but elegant long silver backless gown. May cut ito sa kanang hita, exposing right thigh. Nagpapasalamat nalang ako na hindi makikita ang cleavage ko. Tita keeps on convincing me to expose more skin and show some cleavage. Nakakapagsuot naman ang ng swimsuit pero bihira lang talaga.

The Possessive GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon