DIA2: Chapter 34

2K 61 5
                                    

Author's Point of View

"Damn! Nasaan na si Ice?"- saad ni Tala habang tumatakbo siya sa hallway patungo sa garden.

"Wag mong sabihing.. nasa garden na sya kaagad?"- saad ni Tala sabay bilis nya sa kanyang pagtakbo.

Pagdating sa lobby, huminto si Tala at tumingin-tingin sa paligid.

"Damn! mukhang nasa garden na nga sya. Huli na ko!"- saad ni Tala sabay patuloy nya sana muli sa pagtakbo nang makita nya ang bangkay ni Josh na nasa tapat ng lobby.

Nalungkot naman si Tala nang maalala nya ang nangyari sa rooftop at pagkatapos ay kanyang nilapitan ang bangkay ni Josh.

"Josh.."- saad ni Tala sabay kuyom nya sa kanyang kamao.

"Wag kang mag-alala, sisiguraduhin naming mapaparusahan ang mga gumawa sayo nito."- mahinang saad ni Tala at pagkatapos ay tinalikuran na nya ang bangkay ni Josh at muling nagpatuloy sa pagtakbo patungo sa Garden.

Pagdating dun..

"ICE!"- sigaw ng hinihingal na si Tala sabay tingin nya sa paligid.

Pagtingin nya, nakita nya si Joana na walang emosyong nakatayo sa gitna ng garden habang may hawak na katana. Nakatingin ito sa tulalang si Ice na nakatayo lamang sa isang sulok at may tinititigan.

"Ice.."- saad ni Tala sabay lapit sana kay Ice nang may mapansin sya.

"T- Teka.."- mahinang saad ni Tala at pagkatapos ay unti-unting tumulo ang kanyang mga luha.

"ALEX! ASHLIE!"- sigaw ni Tala sabay takbo nya patungo kila Alex at Ashlie na walang malay at tadtad ng hiwa ang katawan.

"U- uy... Gumising kayo! Alex! Ashlie!"- sigaw ni Tala at pagkatapos ay pinulsuhan nya ang dalawa.

"B- Buhay pa sila."- saad ni Tala sabay tingin nya kay Ice na nakatitig kila Alex at Ashlie.

Halata ang tila pagkalito sa mukha nito.

"I- Ice."- saad ni Tala.

Bigla namang kumunot ang noo ni Ice at nagsimulang lumuha.

"G- Ganito ba talaga ko kahina? Na hindi ko man lang magawang protektahan ang mga mahal ko sa buhay."- saad ni Ice sabay higpit nito sa pagkakahawak nya sa kanyang sandata.

"U- Una.. pinatay ni Bella ang mga magulang ko at wala man lang akong nagawa para mapigilan yun. Pagkatapos ngayon, sila Alex at Ashley."- saad ni Ice sabay yuko nito.

"H- Hindi pa sila ganyan kalala kanina nung dumating ako, nakatayo pa sila kanina at puro galos pa lamang ang mayroon sila nung dumating ako. Napaka wala kong kwentang kaibigan, hindi ko man lamang sila natulungan."- lumuluhang saad ni Ice.

Agad namang nagsalita si Tala.

"H- hindi Ice! Hindi ka mahina at hindi totoong wala kang kwenta. Malakas ka at kahit kailan ay hindi ka nawalan ng kwenta saming mga kaibigan mo, kaya wag kang magsalita nang ganyan okay? Isa pa, buhay pa sila kaya wala kang dapat na ipag-alala."- saad ni Tala kay Ice.

Tinignan naman sya ni Ice at pagkatapos ay sumigaw ito.

"PERO KASALANAN KO KUNG BAKIT SILA NAGKAGANYAN!"- sigaw ni Ice.

Nagulat naman si Tala.

"Kanina, wala sa sarili akong dumating dito at sinugod nang bara-bara ang babaeng yan na syang pinuno sa nangyayaring kaguluhan dito."- saad ni Ice sabay turo nya kay Joana.

"Dahil sa ginawa kong pagsugod nang hindi nag-iisip muntik na nya kong mapatay, k- kung hindi lang ako iniligtas ni Ashlie malamang patay na ko. Pero dahil sa ginawa nyang pagligtas sakin, sya naman ang nasugatan ng ganyang kalala. Sinubukan syang tulungan ni Alex pero pati si Alex, wala ring nagawa laban sa babaeng yan."- kwento ni Ice habang lumuluha.

Dark Island Academy 2Where stories live. Discover now