DIA2: Chapter 21

1.9K 79 8
                                    

Devin POV

"Mukhang hindi ubra ang pagpapaamo mo ngayon King ah, natuluyan kayo sa pag-aaway."- bulong sakin ni Bryan.

"And this time, real na real na away na talaga. Kasi nung nagalit sya sayo este sa atin pala nung araw na inatake silang dalawa ni Ate Rei ni Bella, nagbati agad kayo kinabukasan. Eh ngayon, pangatlong araw na 'to."- saad naman ni Brent.

Bumuntong hininga naman ako.

"Manahimik kayo."- saad ko sabay tingin ko kay Ice na walang kaemo-emosyon na nakaupo sa pinakadulong upuan dito sa Garden.

"Yo."- bati nila Ashlie at Ylana pagkalapit nila samin.

"Oh, King. Anong nangyari di parin kayo bati? Ano ba kasi talagang nangyari sa inyong dalawa? Tatlong araw na oh."- mahinang tanong sakin ni Ashlie sabay upo nya sa tabi ni Bryan.

Bahagya naman akong napayuko.

"Selos."- sagot ko.

Nagulat naman sila Ashlie.

"Selos? Selos ang dahilan?"- gulat pero mahina na saad ni Ashlie.

Tumango naman ako.

"Oo."- sagot ko.

Nagsalita naman si Ylana na nakatayo sa likuran ni Brent at nakayakap dito.

"Kung selos kamo ang dahilan kung bakit kayo nag-away, anong nangyari? Anong ginawa mo at sinong pinagselosan? Di kasi kami sinasagot ni Ice kapag nagtatanong kami sa kung bakit kayo nag-away. Nagwawalk out sya tuwing nagtatanong kami."- mahinang tanong sakin ni Ylana.

Magsasalita na sana ako nang......

"A- Ahm... Sir.Devin."- rinig kong tawag sakin ng isang babae.

Pagtingin ko...

Si Yura. Shit.

"A- Anong kailangan mo."- saad ko.

Shit! Si Ice, gusto kong tignan ngayon si Ice! ano bang kailangan nitong babaeng estudyante na 'to!

"A- Ahm... gusto ko lang po na magpasalamat po sayo tungkol sa nangyari nung nakaraang-nakaraang araw. Hindi pa po kasi ako nakakapagpasalamat sayo kasi po nag-aalangan po akong lumapit sayo gawa narin po nung nangyari po, yung nagalit po si Ms.Ice. Salamat po sa pagkampi mo po sakin, kahit po naparusahan parin po ako dahil kasalanan ko naman po talaga salamat parin po kasi P.1 lang yung natanggap kong parusa. Pasensya narin po kung nagalit po si Ms.Ice sayo gawa po sa kilos ko. M- Mukhang... hindi parin po kayo nagkakabati."- saad ni Yura.

Bigla namang tumayo si Ashlie at nilapitan si Yura.

"Ahh! So ikaw pala yung dahilan kung bakit nag-away yung dalawa at hanggang ngayon ay hindi parin nagkakabati."- saad ni Ashlie sabay tingin nya kay Yura mula ulo hanggang paa.

"Gosh, alam ko yung mga ganyang aura eh. Yung mga tulad mo yung mga ayaw namin nila Ice, maraming katulad mo dati sa Sheria kung saan kami nag-aaral dati nila Ice bago kami pumunta dito. At alam mo ba kung anong nangyari sa mga babaeng katulad mo doon sa Sheria na sinasabi ko? lahat sila, nanghiram ng mukha sa aso."- saad ni Ashlie sabay ngisi.

"Sa nakikita ko, mukhang malapit kana ring manghiram sa aso ng mukha. Gosh! Sa itsura mo halatang wala kapa sa edad na desi-otso. Grabe yang kakatihan mo ah!"- saad pa ni Ashlie sabay tawa.

Pinatigil ko naman si Ashlie.

"Tama na yan."- saad ko.

Nagkibitbalikat naman si Ashlie sabay bumalik sa tabi ni Bryan.

"Ipinaalam ko lang sa kanya, grabe kasi eh. Ang lakas ng loob nya na lumapit ulit sayo, lalo pa at nandito rin si Ice sa garden."- saad ni Ashlie sabay tingin nya sa direksyon ni Ice.

Dark Island Academy 2Where stories live. Discover now